Mga benepisyo sa pagkain ng gulay
NARITO ang mga benepisyo sa pagkain ng gulay:
1. Para kumpleto sa bitamina – Ilan sa mga masustansyang gulay ay ang broccoli, cauliflower, kangkong, pechay, ampalaya, malunggay, spinach, talong, okra at talbos ng kamote. Sagana ito sa vitamins, minerals at iba pang healthy na sangkap.
2. Panlaban sa sakit – Ang gulay ay magandang panlaban sa sakit sa puso, high blood pressure, diabetes, at sakit sa tiyan.
3. Makaiiwas sa kanser – Ayon sa pagsusuri, ang pagkain ng sapat na gulay araw-araw ay makababawas sa pagkakaroon ng kanser ng three to 10 percent. Makatutulong ang gulay sa pag-iwas sa colon at breast cancer.
4. Para maging regular ang pagdumi – Malaki ang tulong ng gulay sa tiyan at bituka. Mataas ito sa fiber na nagsisilbing walis na lumilinis sa bituka. Bawasan ang pagkain ng karne at taba na kulang sa fiber.
5. Panlaban sa stress – Ang gulay ay mataas sa vitamin B na makatutulong sa nerves at makababawas sa stress.
6. Para manatiling bata at malusog ang katawan – Ang pagkain ng dalawang tasang gulay at dalawang tasang prutas araw-araw ang rekomendasyon ng mga eksperto.
7.Para humaba ang buhay – Kung pawang karne ang kakainin, mabilis magkakasakit at maagang mamamatay. Gulay ang sadyang ginawa ng Diyos para kainin ng tao at nagpapahaba ng buhay.
- Latest