^

PSN Opinyon

Babae na nagparetoke, nagulat nang malaman na natahi ang kanyang eyeball sa gilid ng mata niya!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG babae sa China ang nagkaroon ng problema sa paningin at nakaranas ng depresyon matapos pumalpak ang kanyang double eyelid surgery kung saan natahi ang kanyang eyeball sa gilid ng mata niya!

Taon 2021 nang sumailalim sa blepharoplasty o double eyelid surgery ang isang babae na itinago sa pangalang “Miss Zhang”. Ayon dito, naganap ang surgery sa Weifang Kuiwen Lirendu Medical Beauty Clinic sa Shandong Province sa China.

Ipinaayos niya ang talukap ng kanyang mga mata dahil hindi pantay ang mga ito. Kuwento ni Miss Zhang, noong inooperahan na ang kanyang mga talukap ay hindi siya komportable dahil may nararamdaman siyang pananakit sa kanyang kaliwang mata ngunit hindi siya dumaing sa doktor na nag-oopera sa kanya dahil akala niya noon ay normal lang na makaramdam ng ganito habang inooperahan.

Pagkatapos ng operasyon, naghintay ng limang araw si Zhang bago tanggalin ng kanyang doktor ang tahi sa kanyang talukap. Pagkatanggal ng tahi ay napansin ni Miss Zhang na hirap siyang igalaw ang kanyang left eyeball.

Tiningnan niya ito sa salamin at nag-panic siya nang makitang tila may sinulid na nagdidikit sa kanyang left eyeball at gilid ng kanyang mata. Pinakalma siya ng kanyang doktor at sinabi nito na madali itong maaayos sa isang corrective procedure.

Ngunit sa kasamaang palad, hindi naging successful ang follow up operation. Habang inooperahan ay namaga ang kanyang kanang mata at matapos ang isang linggo ay bumalik sa pagkakadikit ang kanyang eyeball at gilid ng mata.

Nagsimula na rin na lumabo ang paningin niya rito at hindi na niya maigalaw pataas ang kanyang eyeball. Matapos ang dalawang taon, hindi na niya tinangkang ipaayos sa naturang clinic ang kanyang mata dahil natakot na siya na baka lumala pa ang lagay nito.

Sinubukan niyang humingi ng refund sa nagastos niyang 30,000 yuan ngunit tumanggi ang clinic at 10,000 lang ang ibinalik na pera sa kanya.

Ayon kay Miss Zhang, inihayag niya ang ka­ra­nasan niyang ito sa publiko para iwasan na ng mga tao ang Weifang Kuiwen Lirendu Medical Beauty Clinic. Sa ngayon ay pinag-iipunan pa niya ang pagpapaayos ng kanyang mata sa Shanghai.

vuukle comment

SURGERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with