^

PSN Opinyon

Makapangyarihan si Apollo Quiboloy

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG may bahid mang pulitika ang pagsisilbi ng warrant of arrest kay Pastor Quiboloy, siguro lang, may bahagya. Pero hindi ito pinlano dahil totoong may mga naghabla sa kanya. Pati nga sa U.S. ay may mga naghihintay sa kan­­yang asunto.

Sa kabuuan ay lehitimo ang mga kaso sa human trafficking at child abuse sa kanya at mayroong mga legal na arrest warrant mula sa korte.

Marahil lang—ito’y sinakyan ng mga kapangyarihan sa administrasyon dahil na rin sa kaugnayan ng simbahan ni Quiboloy sa mga Duterte na marubdob ang hangaring walisin si Presidente Marcos sa kanilang landas.

Para sa akin, counterproductive ang patuloy na pagtatago ng pastor na kaalyado ni Duterte. Oo nga’t libu-libo ang kanyang mga miyembro at tagasuporta pero ang pag­harang nila sa mga pulis na magsisilbi ng warrant ay patuloy na nagbubunga ng tensiyon  at pumipigil  sa malayang paggalaw ng mga tao sa Davao City. 

Totoong sa laki ng simbahan ni Quiboloy at sa rami ng mga miyembro niya, siya ay hindi basta-basta tao at puwedeng palabasin na overkill ang libong pulis na itinalagang umaresto sa kanilang pinuno. Hayan, nagrarali pa sila at hinihingi ang pagbaba sa puwesto ni Marcos.

Paano ba namang hindi magdedeploy ng sandamakmak na pulis ay sila mismo ang pumipigil sa pag-aresto? Obstruction of justice na iyan. Hindi bale kung Senado lang ang nagpapaaresto. Pero Korte na ang nilalabag ni Quiboloy.

Talagang sinasadya nilang palitawin na kontrabida sa laban na ito ang administrasyon kahit pa may mga legi­ti­mate complainants sa mga kasong isinampa sa kanya. Ang marangal na magagawa ng taong may kaso ay harapin ang demanda at klaruhin ang pangalan kung talagang walang kasalanan.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with