^

PSN Opinyon

Babae, ipinabilang ang 600,000 cash sa staff ng store pero hindi naman pala ito bibili ng kahit ano!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG babae sa China ang gumanti sa tindahan ng mamahaling bag sa pamamagitan ng pagpapabilang ng 600,000 yuan cash (katumbas ng P4.7 million) sa mga staff nito pero sa huli ay hindi naman pala niya itutuloy ang pagbili sa napili niyang items.

Nag-viral kamakailan sa Chinese social media website na Xiaohongshu ang post ng isang hindi nagpakilalang babae tungkol sa paghihiganti niya sa isang Louis Vuitton store na nanuplada sa kanya.

Mababasa sa naturang post, ikinuwento ng babae na bumisita siya sa isang tindahan ng Louis Vuitton sa Starlight Place Shopping Centre sa Chongqing, southwestern China noong June. Ikinuwento nito na sinuplada siya ng mga staff doon.

Ayon dito, nakadama siya na minamaliit siya ng staff na nag-assist sa kanya dahil agad siyang dinala sa section ng tindahan kung nasaan ang mga outdated at off season na items. Hindi rin nahiyang magpakita ng attitude sa kanya ang naturang staff at ipinahalata nito na naiinip na ito sa pag-assist sa kanya. Hindi rin nito pinaunlakan ang request ng babae na bigyan siya ng inuming tubig.

Sa sobrang inis sa trato sa kanya, umalis siya sa tindahan na walang nabili. Sinubukan niyang ireklamo ang inugali ng mga staff sa kanya sa pamamagitan ng pag-email sa Louis Vuitton pero makalipas ang dalawang buwan ay wala siyang natanggap na tugon mula sa mga ito.

Bilang ganti, bumalik ang babae sa naturang branch kasama ang kanyang assistant at isang kaibigan nitong Agosto para magpanggap na interesado silang mamili ng mga damit at bag doon. Nang nakapili na sila ng kanilang “bibilhin”, sinabi ng babae sa staff na cash ang ipambabayad nila.

Umabot sa 600,000 yuan ang halaga ng kanilang mga napiling items kaya nagtulong-tulong ang ilang staff ng tindahan na bilangin ang ilang bundle ng tig-100 yuan cash na dala ng babae.

Sa sobrang dami ng pera, inabot ng dalawang oras bago nabilang ang lahat ng mga ito. Nang matapos na ang pagbibilang, binawi ng babae ang mga pera at nagsabi ito na nagbago ang kanilang mga isip at ayaw na nilang bilhin ang mga napiling luxury items.

Pagkatapos nito, umalis na sila sa tindahan na parang walang nangyari. Hindi malinaw sa kuwento kung nagpa­kilala ba ang babae sa mga staff na siya ang sinuplada nila noon.

Karamihan sa mga nakabasa ng naturang post ay kinatuwaan ang revenge story ng babae. Ilan sa mga ito ang pumuri sa naisip na paraan ng pag­hihiganti nito. May mga Chinese netizens pa ang nag-comment at nagtaka kung bakit sobrang suplada ng mga sales person sa mga luxury stores doon samantalang hindi naman sila ang mismong may-ari nito.

Marami ang nagsabi na sana ay maging lek­siyon ito sa mga supladong tagabantay ng tin­dahan dahil hindi nila alam kung sino sa mga papasok na customers ang may kakayahang maghiganti sa kanila.

CASH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with