^

PSN Opinyon

Problema pa rin ang basura

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nanawagan si President Bongbong Marcos sa mga lokal na pamahalaan na gumawa ng mas epektibong sistema sa pagkolekta ng mga basura sa mga komunidad. Kapuna-puna pa rin kasi ang mga basurang nangagkalat sa mga bangketa kapag nadi-delay ang trak na nakatalagang mag­hakot nito.

Sa ikalawang Local Governments Unit Summit-2024, tinuran ng Presidente ang mga lumalaganap na sakit gaya ng leptospirosis at dengue na ang main culprit ay ang maling pagtatapon ng basura sa mga communities.

Wala naman sanang problema kung regular ang pag­hahakot. Kaso kapag nakahanay na sa harapan ng bahay ang mga basurang nakasilid lamang sa marurupok na supot, dalawa ang kalaban. Mga aso o pusang nangangalkal bukod pa sa malakas na buhos ng ulan na aanurin ang mga basura.

Nang magbakasyon ako sa Amerika sa piling ng aking­ mga anak, may mga nakatalagang mga malalaking receptacles na bakal at dun itinatapon ng mga residente ang kanilang mga basura hanggang dumating ang trak na mag­­hahakot. Nakapirme ang mga ito at hindi mananakaw. Dito sa atin, baka gamitan pa ng acetylene torch ng man­du­­rugas iyan.

Malaki raw ang suweldo ng mga basurero sa Amerika na daig pa ang mga executives. Dito sa amin sa Novaliches na parte ng Caloocan, regular naman ang dating ng mag­ha­hakot ng basura.

Ang problema lang, sa bawat hakot ay nagpapadulas­ ng beinte pesos ang mga residente. Ngunit okay na rin sa amin tutal lagi namang nahahakot ang aming basura. Pero mali pa rin ito at klase pa rin ng korapsyon.

BONGBONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with