^

PSN Opinyon

Hamburger na may peras, bagong menu item sa isang fast food sa Japan!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang fastfood restaurant sa Japan ang naglabas ng weird na burger na sa kanila lang maoorder, ang hamburger na may palaman na peras!

Inanunsyo kamakailan ng Japanese fast food chain na Dom Dom ang pinakabago nilang limited edition menu item na “Nashi Double Teriyaki Burger”.

Pangkaraniwan na sa mga malalaking international fast food chain sa Japan na maglagay ng teriyaki burger sa kanilang menu para makasabay sa panlasa ng mga Hapones.

Pero upang mas i-level up ang pagiging ‘localized’ ng kanilang American style menu, umimbento ang fast food na Dom Dom ng burger na mas magiging pamilyar sa mga Japanese. Ayon sa website ng Dom Dom, ang naturang burger ay may sweet soy sauce glaze na teriyaki at mayroon itong maninipis na hiwa ng prutas na Nashi .

Ang nashi ay isang uri ng peras kilala rin bilang Asian pear. Ito ay karaniwan sa Japan at iba pang mga bansa sa Asya. Ang prutas na ito ay may bilugan na hugis at madalas ay matamis, malutong, at makatas.

Ang balat nito ay medyo magaspang kumpara sa karaniwang peras na makikita sa kanluran. Ang laman nito ay maputi at mas malutong, halos katulad ng mansanas. Ang nashi ay isang popular na prutas sa Japan, at madalas itong kinakain bilang pampalamig o ginagamit sa pagluluto.

Ang weird na menu item na ito ay available lang noon sa isang branch lang sa Miyagi Prefecture. Nag-viral ito online dahil maraming customer sa branch na iyon ang nag-vlog at nag-post sa social media tungkol dito at pinupuri ito sa pagiging masarap nito.

Ayon sa mga nakatikim na nito, nabalanse ng matamis at malutong na peras ang maalat na teriyaki sauce ng burger. Dahil dito ay maraming humiling na mga netizens na gawing available na ito sa lahat ng branches ng Dom Dom.

Nakinig ang naturang fast food at inanunsyo nila na magiging available na ito nationwide sa Japan. Nagkakahalaga ito ng 700 yen at limited edition lamang ito sa menu ng Dom Dom dahil ang nashi ay inaani lamang mula late August hanggang October.

vuukle comment

DOM DOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with