^

PSN Opinyon

Mga posibleng sanhi ng sakit ng tiyan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NARITO ang mga posibleng dahilan kaya sumasakit ang tiyan:

1. Ulcer o hyperacidity – Kapag ang pananakit ay nasa itaas ng tiyan at nasa gitna o bandang kaliwa, ito ang lugar ng sikmura. Posibleng ulcer o hyperacidity ang iyong sakit. Ang sakit na ito ay kadalasang nararamdaman kapag ika’y gutom. Nababawasan ang sakit kapag kumain ka ng saging o tinapay. Uminom din ng maraming tubig para mahugasan ang asido sa tiyan.

2. Gallbladder stones – Kapag ang sakit ay nasa itaas ng tiyan at nasa kanan, ito ang puwesto ng gallbladder o apdo. Posibleng may bato ka sa apdo. Minsan ang sakit ay tumutugon sa bandang likod. Dumarating din ang sakit kapag nakakain ka ng mamantika at matatabang pagkain. Magpa-ultrasound ng tiyan para malaman kung may bato sa apdo o wala.

3. Appendicitis – Kapag nasa ibaba at kanan ang sakit, ito ang lugar ng appendix. Ang sakit na appendicitis ay nag-uumpisa sa may sikmura at pagkaraan ng dalawa at tatlong araw ay lumilipat sa kanang bahagi. Masakit ang lugar na ito kapag dinidiinan. Kumunsulta agad sa doktor.

4. Colic – Kapag paikut-ikot ang sakit at walang permanenteng lugar, ito ay marahil sa paghilab ng bituka. Ang tawag dito ay colic at hindi naman delikado. Maaaring nakakain ka ng maruming pagkain at magtatae ka lang.

5. Gastroenteritis – Kung mahilab ang iyong tiyan at nagtatae, ito ay malamang dahil sa gastroenteritis o impeksyon na nakuha sa panis o maruming pagkain. Uminom nang maraming likido (tubig, sopas o lugaw) at kumain ng saging.

6. Amebiasis – Kapag madalas kang dumumi at may bahid ito ng sipon at dugo, posibleng amebiasis ito. Magpasuri ng dumi sa laboratory.

7. Kidney infection o stones – Kapag nasa may puson ang sumasakit at mahapdi ang iyong pag-ihi, posibleng may impeksyon ka sa ihi o may kidney stones. Magpa-urinalysis para malaman ang sakit.

8. Sakit sa matris o obaryo - Kapag ika’y babae at sa may puson ang sumasakit, posibleng nasa obaryo at matris ang iyong problema. Puwede itong dysmennorhea, ovarian cyst o myoma.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with