^

PSN Opinyon

Nararapat dumalo sa pagdinig si Digong

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Palagay ko tuluyan na ngang maghihiwalay ng landas sina President Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte. Lumalaki na ang gawak. Nakakaladkad pa ngayon sa intriga si ex-President Digong kaugnay sa usapin sa illegal drugs at sa mga nangyaring pagpatay sa Chinese drug lords.

Nagkasundo ang mga kongresista na ipatawag si Digong upang sagutin ang mga akusasyon ng inmate na si Leopoldo Tan Jr., na ipinapatay umano ng dating Presidente ang tatlong Chinese drug lords sa Davao. Sabi ng Quad Committee na nag-iimbestiga sa mga patayan ukol sa droga, ipatatawag nila si Digong upang marinig ang kanyang panig sa mga inaakusa sa kanya.

Noong nakaraang linggo, isiniwalat ni dating Customs intelligence and investigation Officer Jimmy Guban na sangkot ang anak, manugang at adviser ni Duterte sa P6.8 bilyong shabu shipment na nakatago sa apat na magnetic lifters na nasabat ng BOC noong Agosto 2018.

Hihingan din ng paliwanag si Duterte sa pagkakasangkot ng kanyang dating economic adviser na si Michael Yang kaugnay sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming ­Operators (POGO).

Nakilala si Digong sa kampanya nito sa illegal na droga mula nang maupo noong 2016-2022. Dahil sa kampanya niya, tumigil bahagya ang drug syndicates sa kanilang masamang gawain. Nagbanta si Digong na papatayin ang drug lords. Siya lamang sa mga naging Philippine President ang may lakas ng loob na nakipagdigma sa drug syndicates. Pero nababalot ngayon ng samu’t saring kontrobersiya dahil sa mga pagpatay. Mag-iimbestiga ang International Court Commission sa mga naganap na patayan. Mahigit 6,000 ang namatay sa drug war ng Duterte admin.

Ang tanong ay kung sisiputin kaya ni Digong ang mga isasagawang pagdinig. Palagay ko, hindi siya dadalo. Maraming beses na siyang inanyayahan sa hearing ng Kamara pero dedma lang siya.

Dapat siyang dumalo para mailahad ang kanyang panig at nang marinig ng taumbayan. Abangan!

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with