^

PSN Opinyon

EDITORYAL — May ‘gugulong na ulo’ sa pagtakas ni Alice Guo

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � May �gugulong na ulo� sa pagtakas ni Alice Guo

HINDI nahuli sa Indonesia ang pinatalsik na Bamban­, Tarlac Mayor Alice Guo at sa halip, ang kapatid nitong si Sheila Guo at kaibigang si Cassandra Li Ong ang nahuli kahapon. Ayon sa report nahuli ang dalawa sa isang mall sa Riau noong Martes (Agosto 20). Ipinaalam ng Indonesian immigration sa Pilipinas ang pagka­ka­aresto sa dalawa. Kahapon, ibinalik na sila sa Pili­pinas at kasalukuyang nasa Bureau of Immigration. Si Sheila at Cassandra ay kabilang sa mga ipina­aresto ng Senado dahil sa operasyon ng POGO sa Tarlac.

Ang nakapatataka ay kung nasaan na si Alice Guo na sinasabing nakaalis ng bansa noon pang Hulyo 18. Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, nagtungo sa Malaysia si Guo at saka nagtungo sa Singapore at doon sila nag­kita-kita ng kanyang pamilya. Pagkatapos ay nagtungo si Guo sa Indonesia. Magkakasama umano sina Guo at ang mga nahuling sina Shiela at Cassandra sa Indonesia subalit natakasan ng nadismis na mayor ang Indonesian authorities.

Isang malaking katanungan kung paano nakatakas si Guo na una nang sinabi ng Bureau of Immigration na mahigpit na binabantayan. Nasa hold departure list din si Guo at iba pang sangkot. Subalit nagulantang na lamang ang marami nang mapabalitang naka­alis na ng bansa ang sinibak na mayor. Habang naghi-hearing ang Senado na may kaugnayan sa kaso ni Guo, wala na pala ito sa bansa at gumagala na sa Indonesia, Malaysia at Singapore.

Hanggang ngayon, hindi pa mabatid kung paano nakalabas ng bansa sina Guo at mga kasama na walang record sa BI. May nagsasabing sa backdoor ng bansa ito nagdaan. Inaalam kung sumakay ito ng eroplano o barko para makalabas ng Pilipinas. Pero hindi ito maga­gawa ni Guo kung walang tumulong sa kanya. Imposibleng walang “nag-ayos” ng kanyang mga kailangan para makatakas nang walang kahirap-hirap.

Nagbanta naman si President Ferdinand Marcos Jr. na may “gugulong na ulo” dahil sa pagtakas ni Guo. Ayon sa Presidente, masisibak sa puwesto ang lahat ng responsable sa paglabas sa bansa nang sinibak na mayor.

Sabi pa ni Marcos ang pagtakas ni Guo ay nagla­lantad sa korapsiyon at nagpapahina sa justice system ng bansa. Dahil sa nangyayaring ito, nawawalan ng tiwala ang mamamayan. Tiniyak ng Presidente na makikilala ang mga taong tumulong para makalipad si Guo.

Inaasahan ng mamamayan ang sinabi ng Presi­dente. Tuparin ito. Sampolan ang mga nagpatakas kay Guo. Sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga korap at taksil­, maibabalik ang tiwala ng mamamayan sa pama­halaan at sistema ng katarungan.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with