^

PSN Opinyon

Mga pangarap ni Pres. Manuel M. Quezon

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

NOONG Lunes, binigyang pugay at ginunita natin ang buhay ni dating President Manuel Luis Molina Quezon kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-146 na kaarawan.

Sa isang simpleng programa na dinaluhan ng mga opisyal ng lungsod Quezon at iba’t ibang tanggapan ng gobyerno, inalala natin ang kanyang buhay bilang sundalo, abogado, pinuno, at lingkod-bayan.

Binalikan din natin ang kanyang mga pangarap at pag­nanais para sa mga Pilipino at sa ating bansa.

Isa sa mga pangarap ni President Quezon ay tumindig ang mga Pilipino gaya ng isang punong molave—matibay, matatag at laging handang humarap sa anumang hamon.

Matibay ang pananampalataya ni Quezon sa kaka­ya­han ng mga Pilipino. Sa sobrang tiwala niya sa atin, nasam­bit niya ang mga katagang: “I would rather have a government run like hell by Filipinos. Because however a bad Filipino govern­ment might be, we can always change it.”

Para kay Quezon, gaano man kagulo at kahirap, tiwala­ siyang mahahanap ng mga Pilipino ang tamang landas tungo­ sa magandang kinabukasan nating lahat.

Bahagi rin ng kanyang pangarap ang manindigan para sa karapatang pantao at pagkakapantay-pantay.

Napakasuwerte ng ating lungsod na nagsilbing tagapag­­mana ng mga pangarap na ito.

Nang kanyang itatag ang Quezon City, ninais niya na ito ang magsilbing puwang para sa mga naghahangad ng ka­unlaran. Isang lugar na puwedeng maabot ng mga Pilipino ang kanilang potensiyal at mamuhay nang may dignidad at kahulugan.

Ang mga pangarap na ito ni Quezon ang patuloy nating­ sinisikap gawin. Ipinagpapatuloy natin ang kanyang hangarin na mabigyan ng de-kalibreng serbisyo at paglilingkod ang lahat, lalo na iyong mga nangangailangan.

Magsilbi rin sanang aral, lakas at inspirasyon para sa ating lahat ang mensahe at pangarap ni Quezon.

Tandaan na bawat isa sa atin, may tungkulin na mahalin, pangalagaan, at itaguyod ang kapakanan ng ating bansa at ating mga kababayan.

Dapat itong makita sa araw-araw nating kilos at gawa. Palagi nating sikapin na maging mabuti sa kapwa at harapin ang bawat hamon nang buong tapang at tibay gaya ng puno ng molave.

PRESIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with