^

PSN Opinyon

Ordinansa ng Maynila, bawas boto kay Mayor Lacuna-Pangan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Malaking boto ang mababawas kay Manila Mayor Honey­ Lacuna-Pangan sa darating na 2025 midterm elections dahil sa ordinansang nagre-require sa city workers na kumuha ng health certificate bago makapagtrabaho sa siyudad.

Mahigpit na tinutulan ng mahigit sa 1,000 empleyado ng University of Santo Tomas ang ordinansa subalit sapilitang sumunod naman sila. ‘Ika nga, hindi umubra ang apela ng unyon ng UST rank-and-file? Ano pa nga ba? Si­yem­pre, lintik lang ang walang ganti, at gagawin ito ng mga emple­yado, mga kamag-anak at kaibigan sa darating na elections. Get’s n’yo mga kosa?

Si kosang Sam M. nga nagngingitngit at sumusumpa na hindi niya iboboto si Lacuna-Pangan dahil nawalan ng trabaho ang peborit niyang professor. Ang lufet naman ni kosang Sam, ‘no mga kosa? Kaya’t habang papalapit ang October filing of candidacy, nakangiti lang si ex-Mayor Isko Moreno dahil batid niya, tataob si Lacuna-Pangan sa kasikatan at makinarya niya. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kung sabagay, panahon pa ni Isko noong 2021 ipinasa ang kontrobersiyal na ordinansa. Kaya lang, hindi naman puwedeng maghugas kamay dito si Lacuna-Pangan dahil siya, bilang vice mayor, ang nakapuwesto bilang lider ng City Council.

Ang ibig sabihin ng mga kosa ko, pumirma muna ang mga konsehal at si Lacuna-Pangan at ang pinakahuli ay si Isko bago maging ganap na batas ito. Get’s n’yo mga kosa? Kaya parehas lang na may kasalanan sina Lacuna-Pangan at Isko. Dipugaaaaa!

Ang masama niyan, ang asawa ni Lacuna-Pangan na si Dr. Arnold Pangan ang umaaktong OIC ng Manila Health Department kaya nakatuon ang pansin ng taga-UST sa huli dahil siya ang nagpatupad ng batas. Sanamagan!

Sa totoo lang, hindi naman ipinatupad ng ibang kolehiyo ang naturang ordinansa at UST lang. Ibig sabihin ba, pati mga empleyado ng ibang kolehiyo ay hindi rin boboto kay Lacuna-Pangan dahil kapag nanalo ito tigbak din sila? Ara­guyyyyy! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Maraming empleyado ng UST ang hindi nakapagturo sa ngayon dahil hindi sila nakakuha o ayaw kumuha ng health certificate na tinawag nilang “illegal or unjust.” Ang tanong, bakit mahigpit na tinututulan, hindi lang ng mga empleado ng UST, kundi iba pang workers sector ang ordinansa ng City Hall?

Ganito pala ‘yan, ang bayad ng workers para makakuha ng health certificate ay P600 kada isa. At kapag ayaw mong sumunod, obligado kang pagbayad ng multa mula P3,000 hanggang P5,000. Araguyyyyy! Ang sakit sa bangs nito kung kada taon bawas ang kita mo ng P600, di ba mga kosa? Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang diskarte lang ‘yan.

Ang tanong lang ng taga-UST, bakit sila lang ang ginigipit ng City Hall at malambot naman sila sa iba pang kolehiyo sa Maynila? Tsk tsk tsk! Mukhang sa korte hahantong ang problemang ito. May kasagutan sa ordinansang ito ay sa darating na May elections. Ano sa tingin mo kosang Isko? Abangan!

vuukle comment

HONEY­ LACUNA-PANGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with