^

PSN Opinyon

Persecution complex ni VP Sara Duterte

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Matindi na ang persecution complex ni VP Sara Duterte. Ipinakita niya ito sa pagdinig ng Senado sa budget ng Office of the Vice President. Lahat na lang ng pagtatanong ng Se­nador ay binibigyan niya ng malisyosong pakahulugan.

Halimbawa, inusisa ni Sen. Risa Hontiveros si VP Sara tungkol sa librong pambata na ipinablis niya at ipinamahagi sa mga mag-aaral nang siya pa ang Kalihim ng Department of Education. Pinondohan ang libro ng P10 milyon.

Walang masama o malisya ang tanong ng Senadora­. Inusisa lang niya ang detalye ng aklat o kung ano ba ang nila­laman nito. Hindi naibigan ni VP ang tanong at sinabing pati ang pondo ng opisina niya ay pinupulitika. Ano ba iyan!

Hindi sinagot ng VP ang tanong at sa halip ay nagpahayag ng galit. Pero dapat nga bang ipagngitngit ni VP ang tanong na walang masamang intensiyon? Karapatan ng mga mambabatas na malaman kung saan napupunta ang pera ng mamamayan na inaaprubahan nila para sa mga opi­sina ng pamahalaan.

Sino ang talagang namumulitika, si Sara o si Risa? Alam na natin noon pa na aktibo si VP sa pagkilos ng Duterte camp para patalsikin si President Bongbong. Hoping against hope na kung babalik sila sa kapangyarihan ay mapipigilan ang pag-uusig ng ICC sa crime against humanity ni Tandang Digong.

Tingin ko, ang pahayag ni VP ay paraan sa paghanap ng rason para bigyang hustisya ang galit-galitan niya. Uma­asa marahil siya na sa paraang ito ay mahihikayat pa niya ang taumbayan na panigan siya.

No way. Bistado na ng taumbayan ang kartada ng mga Duterte. Kahit anong kontrobersiya pa ang imbentuhin ng mga hangal na ito ay hindi na paniniwalaan ng matinong mamamayan.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with