^

PSN Opinyon

Payat pero malakas namang kumain

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

May nagtatanong sa akin. Bakit daw may mga taong payat pero malakas kumain at bakit may taong mataba pero kaunti lang kumain?

1. Isang factor sa pagiging payat o mataba ay ang meta­bolism o galaw ng katawan. Kapag edad 30 pababa mabilis pa ang metabolism at hindi gaano tataba. Pero paglampas ng 40, mabilis nang tumaba at lumaki ang bilbil.

2. Ang regular na ehersisyo ay nagpapapayat din. Kapag hindi ka nagpapawis sa exercise at lagi lang nakaupo, mas mabilis kang tumaba. Dapat ay magalaw tayo sa buong araw. Umakyat ng hagdanan. Maglakad-lakad para makabawas sa timbang.

3. May epekto rin ang lahi (genetics) sa timbang. Nama­mana rin mula sa mga magulang ang hugis ng katawan at mukha. Kapag mabilog ang mukha o malaki ang braso at binti ng magulang, namamana ito ng mga anak.

4. Panghuli, may mga sakit na nakakaapekto sa ating timbang. Halimbawa, ang mga taong hyperthyroid ay mas pumapayat. Ang mga taong naoperahan sa gallbladder ay mas tumataba. Kapag stressed, puwedeng tumaba dahil kain nang kain o kaya’y pumayat dahil walang ganang kumain.

Tandaan: Ang lahi, ehersisyo, pagkain at sakit ay ilan sa factors na puwedeng makaapekto sa timbang.

PAYAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with