^

PSN Opinyon

Mga payo para bumata

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Kumain ng almusal araw-araw. Ang gulay, sardinas, kanin, gatas, itlog at prutas ay masustansiyang almusal.

2. Kumain ng pagkaing may tomato sauce (ketsap at spaghetti sauce) at uminom ng green tea. Panlaban ito sa maraming kanser.

3. Kumain ng maberdeng gulay at mga prutas na mansanas, saging at pakwan.

4. Huwag magpakabusog. Katamtaman lamang ang kainin.

5. Mag-asawa. Mahaba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga nag-iisa.

6. Tumawa ng 15 minutos bawat araw. Laughter is the best medicine.

7. Magkaroon ng mabait na kaibigan. Makatutulong siya sa pagtanggal ng stress.

8. Makipag-sex (sa iyong asawa o partner) ng mas madalas. Ang pakikipag-sex ay isang uri ng ehersisyo at nakababawas ng stress.

9. Umiwas sa bisyo.

10. Matulog ng 7-8 oras bawat araw.

11. Mag-ehersisyo.

12. Mag-alaga ng aso. Nagbibigay ng pagmamahal ang aso sa kanyang amo.

13. Magsipilyo ng 3 beses bawat araw. Gumamit din ng dental floss.

14. Magpabakuna laban sa hepatitis B, pulmonya, trangkaso, at iba pa.

15. Inumin lang ang tamang gamot. Itanong muna sa doktor bago uminom ng gamot o supplement. Mainam na magtanong sa dalawang doktor para makasiguro.

16. Alamin ang mga sakit sa pamilya at gumawa ng paraan para maiwasan ito. Halimbawa, kung may lahi kayo ng sakit sa puso, magpasuri ng maaga sa doktor.

17. Uminom ng 8-10 basong tubig araw-araw.

18. Umiwas sa araw, usok, alikabok at iba pang polusyon sa lansangan.

19. Mamuhay lamang ayon sa kakayahan. Umiwas sa pagkabaon sa utang.

20. Huwag magretiro. Ituloy lang ang trabaho.

PAYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with