^

PSN Opinyon

Lapit na ang election kaya nagsisiraan na

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

HINDi maikakailang umaabot na sa siraan ang pulitika sa ating bansa habang papalapit ang May 2025 elections. 

Kung sinu-sino ang tatakbo sa pagka-senador at maging sa mga lokal na puwesto.

Malalaman ngayong darating na Oktubre kung sino ang mga tatakbo. Sa Oktubre kasi ang deadline ng filing of cer­tificates of candidacy ng mga tatakbo sa May 2025 elections.

Pero ngayon pa lang ay nahuhulaan na kung sinu-sino ang mga tatakbo. May mga nagpaparamdam na.

Nakikita na rin ang kanilang presensiya sa social media platforms. Dito rin makikita kung sila ay may nagawang kabu­tihan para sa kapwa nilang mamamayan.

Habang papalapit ang halalan ay tumitindi na nga ang siraan. Wala nang tigil at walang humpay.

Subalit ang mas nakatatakot ay ang election violence kung saan, may mga nangyayaring patayan.

May mga pinapatay dahil sa pulitika. Ang inaakala nilang hadlang sa kanilang mga pangarap ay walang awang pina­patay.

Karahasan ang nakikita habang papalapit ang midterm election.

Kaya nga kaabang-abang na ang mga mangyayari sa mga darating na araw. Tingnan lang natin kung ano ang mga magaganap sa pagsapit ng halalan sampung buwan mula ngayon.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with