^

PSN Opinyon

Manila Mayor Lacuna-Pangan, sangkaterba ang accomplishments!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

SANGKATERBANG accomplishments ang inilista ni Manila­ Mayor Honey Lacuna-Pangan sa kanyang dalawang taon sa trono ng siyudad. Isa-isang ibinida ni Mayor Lacuna-Pangan ang kanyang nagawa sa Maynila sa kanyang State of the City Address na dinaluhan ng aabot sa 1,000 bisita, kabilang na ang mga City Hall officials, barangay chairman at iba pa. Ipinagmalaki ni Mayora ang kanyang flagship programs tulad ng New Pritil Market, San Andres Sports Complex­ and Convention Center, the New Kalinga sa Maynila Center, Plaza Azul People’s Park, Disaster Management Office and Convention Center at ang Manila Civic Greens Center. Itong mga programa ay magsisilbing foundation para sa kinabukasan ng siyudad, tungo sa “safe, clean and orderly Manila.” Dipugaaaaa! Sapat na kaya itong mga accomplishments ni Mayor Lacuna-Pangan para itaob si ex-mayor Isko Moreno sa darating na 2025 midterm eletions? Ano sa tingin mo City Administrator Bernie Ang Sir? Eh di wow!

Kaya lang, mukhang mahina ang intel network nitong si Mayora. Sa isang interbyu kasi, tinanong s’ya patungkol­ sa pagtakbo ni Isko at ang sabi n’ya ay wala s’yang alam. Tumawa pa ng malakas si Mayora nang banggitin ni katotong Anthony Taberna na baka may ibebenta na naman si Isko. Ito ay pasaring sa pagbenta ni Isko ng palengke sa Divisoria na naging kontrobersiyal dahil maraming Pinoy ang nawalan ng pagkakitaan. Sumagot pa si Mayora na baka ang kasunod na ibenta ay ang Luneta. Dipugaaaaa! Nag­hugas-kamay pa si Mayora eh. Para sa kaalaman ng mga Manilenyo, si Mayora ang Vice Mayor noong ibenta ni Isko ang palengke. At bilang head ng City Council, si Mayora at mga konsehal ang pipirma ng lahat ng aktibidades ng City Hall bago pirmahan ito ni Isko. Get’s n’yo mga kosa? Ang ibig sabihin may sabit din si Mayor Lacuna-Pangan sa pagbenta ng palengke? Ang sakit sa bangs nito!

Kahit hindi n’ya alam na si Isko ang magiging katunggali­ n’ya, nagpalakas naman ng bakuran n’ya si Mayora at sumali sa Lakas-CMD na pinangungunahan ni House Speaker Martin Romualdez. Kung tumataas ang survey rating ni Romualdez, mahahatak kaya nito pataas ang lahat ng taga-Laks-CMD sa 2025 elections? Ano sa tingin mo kosang Ver Noveno Sir? Siyempre, kapag itong Lakas-CMD ang magiging administration party, babaha ang pondo ng mga miembro nito, kasama na d’yan ang kay Mayora. Anong sey mo Boss Marlon? Ang problema lang, sa random survey ng DZRH nitong nagdaang mga araw, lamang pa si Isko kay Mayor Lacuna-Pangan. Abayyyyy, magaling kaya ang mga estilo ni Isko para masungkit ang boto ng Manilenyo, di ba mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kung hindi lang dahil sa SOCA n’ya, hindi naman batid ng Manilenyo na may maraming accomplishments na pala si Mayor Lacuna-Pangan! Kulang sa media exposure? Abayyyyy di ba may mga media na kumukuber sa City Hall/ Anyare? Baka media shy itong si Mayora. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Abangan!

ACCOMPLISHMENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with