^

PSN Opinyon

ICC, narito na sa bansa!

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

HINDI na maikakaila na narito na sa Pilipinas ang mga kinatawan ng International Criminal Court (ICC).

Umaarangkada na ito para tugisin si dating President Rodrigo Duterte na may kaugnayan sa kanyang anti-drug campaign noong siya pa ang namumuno.

Ayon kay Kristina Conti, prosecutor ng ICC, narito na sa Pilipinas at inaasahan nilang may maaaresto na sa mga nalalapit na araw.

Kasali na nga raw sa mga aarestuhin si Duterte at ilan pang mga dating opisyales ng Philippine National Police (PNP) na pinaniwalaang sangkot sa nasabing drug war campaign.

Kabilang sa mga dating PNP officials si Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Si Bato ang dating PNP chief sa panahon ni Duterte.

Kahit ano pang pagtatanggi ng mga kinauukulan, hindi na maikailang pinapapasok na ang mga kinatawan ng ICC sa bansa.

Di ba’t tumiwalag na nga ang Pilipinas sa ICC? Bakit pinayagan nang makapasok ang mga kinatawan nito sa bansa?

Kahit itinatanggi ito ng mga kinauukulan, hayan at naki­kisawsaw na ito sa ating judicial system.

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with