Magkakaibang testimonya
Upang paniwalaan ang isang testimonya kailangan na galing ito sa isang kapani-paniwalang tao. Sa kasong ito, sinabi rin ng Supreme Court (SC) na karaniwang pinaniniwalaan ang maling desisyon ng mababang hukuman tungkol sa kredibilidad ng mga testigo dahil sila ang nakaobserba sa kinilos ng testigo.
Sa Regional Trial Court (RTC), dinemanda si Manny ng kanyang dating nobya na si Lila base sa apidabit niya. Noong dinggin ang kaso, magkaibang kuwento ang inilahad ng magkabilang panig.
Ayon kay Lila, naging kasintahan niya si Manny sa pamamagitan ng text message pero bihira silang magkita dahil pumunta siya sa Maynila upang mag-aral. Pagkaraan ng simbang gabi bumalik daw siya mag-isa sa probinsiya nila sapagkat ang nanay niya ay nag-carolling pa kasama ang ibang nagsimba. Nang dumating siya may kumatok daw na akala niya ay kanyang ina. Pero pagbukas niya ng pinto, nagulat siya dahil si Manny pala ang kumatok. Sinabi nito na pag-usapan nila ang kanilang relasyon.
Nag-alinlangan siya dahil mukhang lasing si Manny, ngunit sa bandang huli, pinapasok din niya. Pagkatapos nag-usap ng 45 minutes, sinabi ni Lila kay Manny na umalis na ito. Pag-alis ni Manny ay pumasok na siya sa kanyang kuwarto, pero nagpakita uli si Manny at nagsaboy ito sa kanyang mukha na nagpahilo at nagpadilim sa kanyang paningin. Pagkaraan ay hinubaran siya ni Manny hinipuan sa iba’t ibang parte ng katawan hanggang sa mawalan siya ng malay. Nakipagtalik na si Manny sa kanya. Umiyak lang si Lila hanggang sa makatulog siya.
Tumestigo rin ang kanyang ina at sinabi na noong dumating siya, mga alas dos ng umaga, kumakatok siya pero hindi sumagot si Lila. Kaya binuksan na niya ang pinto at nakita niya si Lila na hubad at walang malay. Nagulat siya nang makakita siya ng ibang damit sa sahig. Kaya nagsiyasat siya at nakita si Manny sa ilalim ng kama na nakakarsonsilyo lang. Sumigaw siya at humingi ng tulong.
Nagising ang kanyang kapatid na si Ester na barangay tserman kaya dumating ang ilang barangay tanod at inilipat si Lila sa ibang kuwarto. Nagising ito dahil sa sigaw ng kanyang kapatid na si Andy na mahigpit na hawak si Manny.
Sa kabilang dako, tinanggi ni Manny at sinabing hindi naman niya ginahasa si Lila dahil kusa silang nagtalik ni Lila dahil magkaibigan pa rin sila kahit hindi na sila magkasintahan.
Ngunit hindi pinaniwalaan ng RTC ang kuwento ni Manny at sinabing maysala ito ng “rape” na may sentensiya ng panghabang buhay at magbabayad ng mga danyos. Kinumpirma ng Court of Appeals ang desisyong ito.
Pag-apila pa sa SC, binaliktad nito ang desisyon ng RTC at CA. Ayon sa SC ang kuwento ni Lila ay iba sa nilahad niya sa kanyang apidabit na ginawa niya mga isang oras lang pagkaraan ng insidente. Hindi rin sinumite ng taga-usig ang spray can o botelya na sinabi ni Lila na ginamit sa kanya na dapat kinuha ng barangay chairman o tanod at tinago bilang ebidensiya.
Sinabi rin ni Lila na hiniling ni Manny na sumama ito sa paglalakad patungong bahay pero sa kanyang testimonya, iginiit niya na hindi sila nag-usap ni Manny patungong bahay.
Hindi rin kapani-paniwala ang testimonya ng kanyang inang si Mila. Sabi niya noong pumasok siya sa kuwarto ni Lila, nakita niya hubad ito. Ginigising niya ito pero hindi gumising at nang nakita niya sa sahig ang pantalon ng lalaki, tumingin siya sa ilalim ng kama na nag-udyok sa kanya na humingi ng tulong nang makita niya si Manny dito. Dumating ang anak niya si Andy at dinala si Lila sa ibang kuwarto. At nang sumigaw siya para humingi ng tulong saka lang nagising si Lila. Nagpapatunay ito na natutulog lang si Lila.
Nalaman na si Manny at Lila ay nahuli niyang nagtatalik pagdating ng bahay. Nag-imbento lang siya ng kuwento upang ingatan ang dignidad ng anak. Wala talagang sala si Manny ng panggagahasa (People vs. Singson G.R. 194719).
- Latest