^

PSN Opinyon

Nagbabago ang tao

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Maganda ang pagbabago kung ito ay patungo sa pagiging higit na mabuti. Kung dati ka nang may magandang reputasyon na lalo pang nagningning dahil sa ibayong kabutihang ginagawa mo, iyan ang pinakamahalagang medalyang matatamo mo na higit pa sa ginto ang halaga.

Subalit kung dati kang hinahangaan at iginagalang ng madla dahil sa magaganda mong adbokasiya ngunit minsan kang nakagawa ng karumal-dumal na kamalian, ang lahat ng buting nagawa mo ay mabilis mahalinhan ng kahihiyan. Iyan ang masaklap na katotohanan ng buhay.

Si Atty. Harry Roque ay bantog at hinahangaang human rights lawyer noon na nagtatanggol sa karapatan ng mga taong napagkakaitan ng hustisya. Siya ay de kalibreng abo­gado na ang espesyalidad ay international law.

Ngunit mula nang maging spokesman siya ng noo’y Presidente Duterte, tila ba nalusaw ang kanyang mabuting prinsipyo at nalubog siya sa sari-saring kontrobersiya na ang pinakahuli ay ang pagkandili niya sa isang tinutugis ng batas dahil utak ng isang sindikato.

Inaakusahan siyang abogado ng isang kompanyang Intsik sa ilegal na POGO na habang pinasisinungalingan niya ay tila lalo lamang nagbabaon sa kanya sa maitim na issue. Kasama siya ngayon sa 11 katao pang nasa watchlist ng Bureau of Immigration upang hindi makalabas ng bansa.

Totoo man o hindi ang akusasyon, sabi nga, Roque is presumed innocent until proven guilty. Ngunit siya ay promi­nenteng personalidad kaya laging nangunguna ang balita tungkol sa kanya gaano man kanegatibo.

NAGBABAGO

TAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with