^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Kaso ng dengue patuloy sa pagdami

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Kaso ng dengue patuloy sa pagdami

NANG bumaha sa Metro Manila at mga kalapit probinsiya noong Hulyo 24 dahil sa habagat na pinalakas ng Bagyong Carina, marami ang nangamba na dumami ang kaso ng dengue. Dahil maraming tubig na naiwan ang baha, ito ang magiging breeding groud ng mga lamok nagdadala ng dengue. Ang Aedes Aegypti ang uri ng lamok na pinanggagalingan ng dengue. Madaling makilala ang lamok na ito sapagkat mayroong guhit na puti sa katawan. Madaling dumami ang lamok na ito kaya ipinaalala sa mamamayan ang paglilinis sa kapaligiran lalo na sa MM na dumanas nang grabeng baha.

Linisin o itapon ang mga basyong bote, grapa, mga tapyas na gulong ng sasakyan, plorera at iba pang lalagyan na naistakan ng tubig. Alisin din ang mga damit na nakasampay sa madilim na kuwarto ng bahay. Linisin ang mga halaman sa paligid. Ang mga hindi umaagos na kanal ay linisin sapagkat nangigitlog dito ang mga lamok.

Ang mga bata ang karaniwang biktima ng dengue kaya nararapat na pagsuutin sila ng damit na may mahabang manggas at jogging pants para makaligtas sa kagat ng lamok. Pagsuutin din sila ng medyas. Ganito rin sana ang ipasuot sa mga bata habang nasa school. Karaniwang ang mga school na malapit sa mga binahang lugar ay maraming lamok.

Wala pa namang pagtaas ng dengue sa MM pero sa ilang probinsiya, may mga report na tumaas ang kaso ng dengue. Sa Cordillera, may naitala nang 9,387 kaso at 19 ang namatay mula Enero hanggang Hunyo, 2024. Ayon sa Cordillera Regional Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC), mula Hulyo 21-27 may nadagdag na 728 na kaso.

Sa Negros Occidental, tumaas din ng 17.7 percent ang kaso ng dengue. Mayroon nang tatlong bata ang namatay, ayon sa report ng provincial health officer. Nagsasagawa na ng paglilinis ang lokal na pamahalaan sa mga posibleng pinamumugaran ng mga lamok.

Sa Ilocos Norte, nakapagtala ng 146 kaso ng dengue at dalawa ang namatay noong Hulyo 20. ­Pinaigting ng Ilocos Norte Provincial Health Office (PHO) ang kampanya laban sa dengue. Ipinatutupad nila ang 5S at namamahagi ng insecticides at larvicides sa mga residente upang gamitin sa mga lamok.

Sintomas ng dengue ang mataas na lagnat na tumatagal ng isang linggo, pananakit ng ulo at mga kasu-kasuan, pagkakaroon ng rashes, at ang ihi ay kulay kape. Ipinapayo ng Department of Health (DOH) na kapag nakaranas ng ganitong mga sintomas, kumunsulta agad sa doktor para maagapan ang dengue. Ngayong wala pang bakuna laban sa dengue ang pag-iingat at paglilinis sa kapaligiran ang tanging panlaban sa sakit.

DENGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with