^

PSN Opinyon

Mayor Lacuna-Pangan at Isko, nagsisikuhan na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Umiinit na ang pulitika sa Maynila. Kapansin-pansin na ang tirahan ng kampo nina Mayor Honey Lacuna-Pangan­ at ex-mayor Isko Moreno maging sa social media. Walang puknat naman ang pag-iikot ni Isko samantalang panay naman banat sa kanya sa social media, na sa tingin ng mga kosa ko, ay galing sa kampo ni Lacuna-Pangan. Kung sabagay, ano pa ba ang bago d’yan?

Si Isko ay nasa Distsrict 1 kamakailan kung saan inanunsiyo n’ya na si Ali Atienza ang kanyang makakatambal­ sa kanyang pagbabalik sa trono ng Maynila. Wanakosey! Nagbubuo din si Isko ng kanyang tiket at marami naman ang nag-aapply bunga sa malaki ang paniniwala ng mga pulitiko sa Maynila na kakain ng alikabok si Lacuna-Pangan sa darating na 2025 midterm elections. Owwwww! Hehehe! Kanya-kanyang diskarte lang ‘yan, di ba mga kosa?

Nagbukas din si Isko ng kanyang pahina sa social media na pinamagatang ‘Isko sa Sais” kung saan ibinabalandra n’ya ang kanyang mga plano para sa mga edukasyon sa Maynila. Siyempre, ang tatamasa ng grasya ay ang mga titser. Get’s n’yo mga kosa? Maglalaan si Isko ng P5 mil­yon para sa training ng mga teachers, P500 allowance per month at P3,000 naman para sa retired teachers at principals. Ewan ko lang kung monthly itong para sa reti­rado. Dipugaaa!

Magkakaroon ng free annual medical check-up for public­ school teachers at 11,000 laptops with pocket wifi para naman sa online classes. Abayyy maganda itong plano ni Isko para sa mga teachers. Si Lacuna-Pangan kaya? Nganga? Hehehe! Plano pa lang ‘yan ha?

May nag-post naman sa social media kung saan nagta­tanong kunyari ang mga Manilenyo kung magbebenta ba ng ari-arian ng Maynila sina Isko at Lacuna-Pangan at isa pang pulitiko. Ang sagot ni Isko ay “Yes,” ang kay Lacuna-Pangan ay “Maybe,” samantalang ang isang pulitiko ay ‘wag na nating isama. Sanamagan!

Siyempre, ang pinatatamaan ng tanong ay si Isko dahil sa questionable na pagbenta niya ng palengke sa Divisoria kung saan maraming tindera ang nawalan ng trabaho. Get’s n’yo mga kosa? May post din na iniwan sa ere ni Isko sina ex-mayor’s Alfredo Lim, Lito Atienza at Erap Estrada. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Si Lacuna-Pangan naman ay nagsimula na ding mag-house cleaning ng mga tinatawag na “Isko loyalists” sa City Hall. Ang mga unang tinamaan ay ang hepe ng MTPB at DPS, na sagradong bata ni Isko. May iba pang empleado na inilipat ng departamento kasi hindi sila masibak dahil civil service eligible sila. Mismooo! Ang nasibak sa weder-weder na isyu ay ang mga job orders na karamihan ay mga 15-30 lang. Araguyyy! Ang sakit sa bangs nito!

Wala pa namang personalan sa labanan nina Lacuna-Pangan at Isko subalit tinitiyak ng mga kosa ko na magkakaroon ‘yan. Wait-wait lang! Kinaugalian na kasi ng mga pulitiko na magsiraan habang papalapit ang elections. Ano pa nga ba? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!

HONEY LACUNA-PANGAN

ISKO MORENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with