^

PSN Opinyon

Pag-pull out ng security ni Sara, ‘political harassment’?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Walang pulitika sa desisyon na i-recall ang 75 pulis na naka-detail bilang security ni Vice President Sara Duterte, ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil. Ani Marbil, kaya naisipan niyang i-pull out ang malaking bahagi ng security ni VP Sara ay upang gamitin sila sa kampanya laban sa kriminalidad sa Metro Manila. Aniya, maging ang mga retired police officials at tinanggalan din niya ng mga security. Dipugaaa!

Ang paliwanag pa ni Marbil, hindi naman magpapabaya ang PNP sa seguridad ni Sara dahil handa silang bigyan ito ng sapat na security detail kapag bumisita siya sa mga pro­binsiya. Mismooo! Hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw ha, mga kosa? Hindi personalan ang pag-pull out ng security ni Sara, di tulad ng iniisip ng iba matapos na siya ay magbitiw bilang secretary ng DepEd. Anong say n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa kanyang post naman sa social media, iginiit ni Sara na ang hakbangin ni Marbil ay isang “political harassment”. Aniya, karamihan sa security detail niya ay galing sa Min­da­nao, at andun na sa tabi niya noon pang 2007. Hindi makatarungan na ma-assign ang mga ito sa Metro Manila at mapalayo sa kani-kanilang pamilya. Punto by punto na sinagot ni Sara ang tinuran ni Marbil, na tatlong beses na nagpainterbyu tungkol sa isyu, ayon pa kay Sara. Ang sakit sa bangs nito!

Sinabi ni Marbil hindi lang naman personal n’yang desisyon ang pag-recall ng security ng OVP dahil me nangyaring konsultasyon. “We requested the Office of the Vice President for a possible pull out of our 75 personnel because we really need our personnel on the ground in the National Capital Region (NCR), and they agreed,” giit ni Marbil.

Ayon pa kay PNP chief, may natitira pa namang 31 pulis na naka-security detail sa OVP, pito dito mga opisyal at 24 ang enlisted personnel. Eh di wow! Klarung-klaro na may sapat pang pulis para bantayan ang seguridad ni Sara, di ba mga kosa? Ganun na nga! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Nangako naman si Marbil na bilang VP, maglalatag ang PNP ng security detail kay Sara tuwing may aktibidad siya o aattend ng events sa probinsiya. “Ang sinasabi ko lang everytime you go to the regions, nag augment yung mga pulis natin. Marami naman pulis kami sa regions, let’s say the VP went to the place marami kaming pinapadalang police just to make sure na secure siya,” ang dagdag pa ni Marbil. Itong mga pulis na na-recall ay mula sa PSPG, ay nagko-complement lang sa Presidential Security Group (PSG) ang naatasang magbantay kay Sara. Mismooooo!

Hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw mga kosa na hindi sini-single out si Sara sa desisyon ni Marbil na i-recall ang 75 pulis na security detail n’ya kundi para lang dagdagan ang deployment ng kapulisan sa kalye.

“We need more policemen on the ground and even retired generals, we pulled out their security because we need more men on the ground,” ani Marbil. Walang pulitika talaga ha? Hindi rin personalan? Hehehe! Ang gulo n’yo! Dipugaaa!

Kayo na mga kosa ang maghusga kung sino ang nagsasabi ng totoo kina Sara at Marbil. Sanamagan! Abangan!

MARBIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with