^

PSN Opinyon

Teenagers sa U.K., dumating sa kanilang prom habang nasa loob ng mga body bag!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Tatlong magkakaibigang high school students ang umattend sa kanilang prom na nasa loob ng bag na pinag­lalagyan ng bangkay!

Kalimitang ginaganap ang high school prom sa mga paaralan sa United Kingdom tuwing Hunyo o Hulyo pagkatapos ng exam at bago mag summer vacation. Bukod sa pagandahan ng isusuot na damit, pinaghahandaan din ng mga dadalong estudyante kung paano sila darating sa venue ng prom.

Ang iba ay magrerenta ng mamahaling sasakyan o limousine para maging bongga ang kanilang entrance. Pero iba ang naging ideya ng 17-anyos na si Lucas Jameson kung paano ang magiging entrada niya sa kanilang prom. Dahil upang mapansin ng lahat ng kanyang mga kaklase, naisipan nito na dumating na nasa loob ng body bag!

Ayon sa panayam sa ina ni Jameson na si Laura, inamin nito na kasabwat siya ng kanyang anak sa papansin na entrance nito sa prom. Ayon dito, gusto kasi ng kanyang anak na magkaroon ng memorable na entrance sa prom na pag-uusapan ng buong school hanggang sa siya’y maka-graduate.

Kuwento pa nito, ang orihinal na plano sana ng kanyang anak ay dumating sa prom sakay ng helicopter ngunit masyadong malaki ang kanilang gagastusin para rito kaya naisipan na lang nila na magrenta ng isang kahina-hinalang itim na van na magtatapon kunwari ang driver at pahinante nito ng mga bangkay na nakasilid sa body bag.

Matapos umarkila ng van at bumili ng body bag, lihim na nakipag-coordinate si Laura sa mga guro ng paaralan para ma-inform ang mga ito bago ang araw ng prom para hindi magulat ang mga ito sa stunt ng kanyang anak at dalawang kaibigan nito.

Sa araw ng prom, successful na naisagawa ang en­trance ni Jameson at agad nag-viral ang mga nakunang video at litrato nito sa kanilang lugar. Kahit ang mga guro ay humanga sa kakaibang entrance na ito dahil unique at unang beses pa lang itong nagawa sa kanilang paaralan. Malaki ang pasasalamat ni Jameson sa kanyang ina na sinuportahan ang kanyang kakaibang gimik.

vuukle comment

LAURA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with