Lalaki sa China, gumamit ng drone para mahuli ang nangangaliwang misis!

Isang lalaki sa China ang nag-viral matapos niyang mahuli sa akto sa pamamagitan ng drone camera ang kanyang misis na nanla­lalaki!

Ilang beses nang nagpapaalam ang misis ni Jing na aalis ito at bibi­sitahin ang kanyang mga magulang sa probinsiya. Nagkaroon ng hinala si Jing na nagsisinungaling ang kan­yang misis nang inalok niya na sasamahan sa probinsya pero tumanggi ito.

Upang patunayan ang kanyang hinala, gumamit si Jing ng remote controlled drone camera at ginamit niya ito para mag-espiya. Lihim na pinuntahan ni Jing ang kanyang misis sa trabaho nito at sa tulong ng drone camera, nakita niya na maagang umalis ng opisina ang kanyang misis kasama ang boss nito sakay ng kotse.

Pumunta ang mga ito sa isang abandonadong bahay na nasa masukal at mabundok na lugar. Matapos ang 20 minutes ay bumalik sa opisina ang dalawa. Pinost ni Jing ang mga video na kuha ng drone camera sa Chinese social media website na Weibo. Ayon dito, gagamitin niya ang mga ito bilang ebidensiya kapag nakipagdiborsyo na siya sa kanyang misis.

Show comments