^

PSN Opinyon

Sinara ang rampa

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ISINARA na muna ng MMDA ang kontrobersyal na rampa sa Philam station ng MRT, dahil sa rami ng pintas at batikos. Ayon sa mga bumatikos, masyadong matarik na sigu­radong mahihirapan ang naka-wheelchair. Tila imbis na makatulong, napasama pa.

Bago isinara, dinepensa naman ng MMDA, puwede pa rin daw ito gamitin ng mga ibang PWD, mga buntis at mga senior citizen. Hindi naman daw ganun katarik kung titing­nan sa ibang anggulo. At kung may naka-wheelchair, tutulungan daw ito ng mga taga-MMDA na nakadestino sa istasyon.

Pero bukod sa matarik na rampa, madulas daw ang sahig­ nito. Kaya kung mababasa kapag umulan, baka ma­dulas. Hindi rin daw sang-ayon sa mga nakasaad sa Batas Pambansa 344 kung saan may tamang anggulo para sa rampa.

May mga arkitektong nagbigay din ng obserbasyon na masyadong matarik nga. Maaaring hindi matarik para sa ma­lakas na tao, pero para sa mahinang senior, naka-crutches, o buntis ay baka mahirapan.

Paliwanag ng MMDA ay hindi masusunod ang naka­saad sa BP 344 dahil walang lugar. Sa madaling salita, pinilit gumawa ng rampa at ganun nga ang kinalabasan. Hindi rin daw kinunsulta ang National Council on Disability Affairs (NCDA) para nakapagbigay sana ng opinyon.

Isinara ng MMDA para sa “improvements”. Baka lagyan­ ng elevator para sa mga naka-wheelchair. Siguro pati ‘yung sahig ay babaguhin ng bahagya. Wala nang magagawa sa matarik ng rampa kaya ibang mga tulong na lang ang ma­la­­lagay.

Malayo pa ang Pilipinas pagdating sa tulong sa mga PWD at senior. Ikumpara sa ibang bansa, pati mga bulag ay may magagamit na tulong sa kanilang paglakad sa labas. Sabihin nang dagdag gastos ito para sa pribado at publikong esktor. Pero dahil nga may batas, dapat nasusunod.

 Aabutin daw ng dalawang buwan ang pagsasaayos sa rampa. Hintayin na lang natin kung magiging epektibo ang mga bagong improvements. Dapat may aktuwal na mag-testing ng rampa—mga senior, mga pilay, buntis, bulag. naka-crutches at naka-wheelchair—sila ang makapagbibigay ng tunay na opinyon kung nakatulong nga o hindi.

MMDA

MRT

PWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with