^

PSN Opinyon

Bakit sila nagging mga kolaboretor?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Pera ang pangunahing dahilan ng mga kolaboretor sa kalaban. Kakambal ng pera ay poder. Ikatlong dahilan ay ambisyon na tumanyag. Ika-apat, sadyang paniniwala na tama ang ginagawa ng manlulupig. Ikalima, takot o kaduwagang ipaglaban ang kasarinlan.

Dala umano ng limang rason na ‘yan kaya nag-doble kara si Pedro Paterno kay President Emilio Aguinaldo. Inud­yukan ni Paterno si Aguinaldo na pirmahan ang pakto sa biak na bato. Ikabubuti umano ng Pilipinas at ng Himagsikan kung lumisan si Aguinaldo sa Hong Kong.

Pagkapirma ni Aguinaldo, tumungo agad si Paterno kay Spanish Governor-General Fernando Primo de Rivera. Humiling siya ng pabuya na 400, 000 Mexican dollars at titulong baron. Tinanggihan siya.

President Jose P. Laurel, Speaker Benigno Aquino, Jose P. Laurel III ng gobyerno sa ilalim ng hapon – US National Archives

Ganunpaman, hinikayat ni Paterno ang mga katipunero na sumuko sa España. Kinasuklaman nila siya. Pagbalik ni Aguinaldo sa Pilipinas na may kargamento ng armas, muling humanay si Paterno sa mga Makabayan. Pero nanatili siyang kaibigan ng mga Kastila.

Nang agawin ng America ang Pilipinas, muling lumundag ng panig si Paterno. Aniya walang saysay labanan ang malakas na bagong manlulupig. Naglathala siya ng pahaya­gan na umadhika ng kalayaan. Mga kapwa niya balim­bing ang mga mambabasa.

Apat na uri ng kolaboretor nu’ng Panahon ng Hapon:

l Militar – armado ng itak at sibat, sila ang mga umaktong tagapagpayapa ng mga umaklas na komunidad.

l Politika – tumanggap sila ng pwesto sa mapanupil na gobyerno at nagtatag ng Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas.

l Kabuhayan – nagbenta sa Hapon ng bakal na pang-armas.

l Propaganda – mga mamamahayag na maka-hapon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

PERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with