^

PSN Opinyon

SONA, sana mapayapa

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Nang sabihin ni VP Sarah Duterte na hindi siya dadalo nga­yon sa State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Bongbong Marcos at itatalaga ang sarili niya bilang “desig­nated survivor”, maraming espekulasyon ang lumutang. Na baka Ito’y isang bomb threat na madada­may pati ang mga constitutional successors ng Presidente kabilang ang Senate President, House Speaker at Chief Justice.

Sa U.S. kasi, ang designated survivor ang awtomatikong papalit sa Presidente kung may masamang mangyayari rito at hindi na makagaganap sa tungkulin. Wala namang ganyang probisyon sa ating Konstitusyon. Pero kahit ano pa ang rason, kapag hindi na magampanan ng Presidente ang tungkuling mamuno, Vice President ang itatalaga sa puwesto niya. Matik iyan!

Pero paglilinaw ni Sara, ang sinabi niya ay hindi biro o banta. “Hindi rin ito bomb threat” dagdag niya. Kung hindi biro at banta, anong lohika ng sinabi niya.

Sinabi pa niya na kung hindi naunawaan nang marami ang statement niya ay hindi na siya magpapaliwanag pa. Seryoso ang interpretasyon nang marami. Nakasandal diyan ang pambansang seguridad.

Dapat nga siyang magpaliwanag sa talinghagang sinambit niya. Kung hindi, tiyak ang bawat magtipon sa session hall ng Batasan Pambansa ay kakabug-kabog ang dibdib.

Kahit hindi madamay sa ganitong senaryo ang mga cons­titutional successors ng Presidente, siguradong si Sara ang mauupong Presidente porke siya ang Bise.

Mrs. Vice, you owe it to the Filipino people to explain.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with