^

PSN Opinyon

Gayahin si Gen. Francisco sa paglutas ng krimen!—Marbil

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

HINIKAYAT ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang mga police units sa Pinas na paigtingin ang kanilang operations laban sa high-value criminals at wanted persons para maging matiwasay ang isipan ng mga Pinoy habang naglalakad sa kalye. Iginiit ni Marbil na ang “broaded, more aggressive campaign” ay upang itaguyod ang national security at masiguro ang ligtas na kapaligiran para sa lahat ng mga Pinoy.

“Our paramount objective is the safety and security of every Filipino family and community. By apprehending these criminals, we are making significant strides in ensuring that our citizens can live without fear and in peace,” ani Marbil. Eh di wow!

Ang hakbangin ni Marbil ay maaring maaga pa subalit kasama na ito sa paghahanda ng PNP para sa 2025 midterm elections. Dipugaaaaa! Ano pa nga ba!

Ang ibinigay na halimbawa ni Marbil sa mga police units ay ang kahindik-hindik na performance ni CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco laban sa high value criminals at wanted persons.

Hindi lang ‘yan, itong innovative na pamamaraan ni Francisco sa paglutas ng kaso ay nagbunga rin sa pagkaaresto sa mga suspects sa pagpatay kina Geneva Lopez at Israeli boyfriend sa Central Luzon at sa Australian national sa Cavite. Di ba fresh pa sa isipan n’yo ang mga kasong ‘yan mga kosa?

Kaya hindi nahirapan si Marbil na purihin itong si Francisco at gawin s’yang role model ng mga police units, lalo na ‘yaong gustong ma-promote. Sanamagan! Halatado na ba ako, mga kosa? Kaya ‘wag na kayo magtaka mga kosa kung si Francisco ang incoming NCRPO chief. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon kay Marbil, mula Enero 1 hanggang Hulyo 15, 2024, nagsagawa ang CIDG ng 6,259 operations na nagresulta ng pagkaaresto ng 6,250 wanted sa batas.

Siyempre, malaking parte ang iniambag ng mga CIDG Regional Field Units na naka-record ng 5,981 na pagkaaresto samantalang ang CIDG Special Operations Units naman ay nakahuli ng 269 wanted persons. Itong accomplishments ng mga tauhan ni Francisco ay nagsusulong ng hindi natitinag at matibay na pagsisikap ng PNP na itapon sa likod ng rehas na bakal ang mga kriminal at panindigan ang umiiral na batas. Mismooooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kaya lang, pinag-iingat ni Marbil ang kapulisan sa pagpatupad nila ng kanilang tungkulin laban sa mga kriminal at wanted persons. Ayaw kasi ni Marbil na madagdagan pa ang bilang ng 16 pulis na nagbuwis ng buhay, at 40 iba pa na nasugatan habang nagsasagawa ng operations.

“We honor the bravery and commitment of our men and women in uniform who risk their lives daily. Their dedication to their sworn duty to serve and protect is truly admirable,” ani top cop. Tsk tsk tsk! Konting ingats, din mga kosang pulis dahil di naman kumikilala ng batas ‘yang mga kriminal at wanted persons. Tumpak! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Binigyan diin din ni Marbil ang malaking papel na ginampanan ng PNP’s e-warrant system para sa matagumpay na police operations vs criminals at wanted persons. Sa record ni DIDM director Brig. Gen. Matthew Baccay, umabot sa 73,337 warrants of arrests galing sa korte sa buong Pinas ang na-download sa e-warrant nitong nagdaang mga taon at malakimg bahagi nito ang nai-serve ng pulisya, dahil ang gusto ng police, ligtas ka! Simple lang p’ro rock, no mga kosa? Abangan!

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with