^

PSN Opinyon

Amoy eleksiyon na sa Abra

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Amoy eleksiyon na sa Abra kaya amoy pulbura na rin sa nasabing lalawigan.

Pinasabugan ng granada ang bahay ni Perfecto “Pope” Cardenas, administrator ng La Paz, Abra noong ma­daling araw ng Huwebes. Walang namatay o nasaktan sa insidente.

Ayon kay La Paz Mayor at League of Municipalities of the Philippines (LMP) national chairman JB Bernos, matunog ang pangalan ni Cardenas na tatakbong mayor ng Bangued. Dati itong konsehal, naging miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at Director ng Civil Service Commission (CSC) rin.

Apat ang makakalaban ni Cardenas sa pagka-mayor. Kabilang dito ang isang dating mayor na nagmula sa malaking political clan, isang kasalukuyang konsehal, isang may mataas na posisyon sa Abra at isa pang mula sa makapangyarihang political clan sa Abra.

Ang mga makakalaban ni Cardenas ay may mga malalaking pulitikong backing at mga loyalista. Palagay ko, mainitan ang labanan sa darating na halalan.

Palagay ko rin, may ipinapahiwatig ang paghahagis ng granada sa bahay ni Cardenas. Kinakatakutan kasi ng mga kalaban si Cardenas na baka ito ang piliin ng mga botante. Marami na kasi ang nagsasawa sa pabalik-balik na mga mukha ng pulitiko sa Bangued.

Bukod sa paghahagis ng granada, nag-uumpisa na rin ang siraan sa social media ng mga pulitiko. Isinasangkot si Mayor JB Bernos sa smuggling at masyado raw magarbo ang pamumuhay nito.

Ipinagkibit-balikat lamang ito ni Bernos. Isa lamang umano itong demolition sa kanya dahil hindi naman daw siya tatakbong governor kundi kinatawan ng partylist.

Normal ang batuhan ng akusasyon at pagsisiraan tuwing eleksiyon. Ang hindi normal ay ang pagdanak ng dugo.

* * *

Para sa reaksiyon o komento, i-send sa: [email protected]

CSC

LMP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with