^

PSN Opinyon

2 VIP escorts ng POGO financiers, arestado ng CIDG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG VIP escorts ng Chinese POGO financiers ang inaresto ng pulisya at nakumpiska sa kanila ang 11 mama­haling baril. Lumalabas sa imbestigasyon ni CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco na itong mga narekober na baril ay binili ng mga POGO financiers at ipina-lisensi­yahan sa mga close-in security nila.

Nasa alituntunin ng SOSIA ng PNP na dapat ang mga security guards ay armado lamang ng ordinaryong baril, kasama na ang 9mm. Kaya’t pati mga Chinese POGO finan­ciers ay hinahanting na ngayon ng CIDG operatives para managot sa batas. Chinese na naman?

Ang mga Chinese talaga pasakit lang sa PNP eh, di ba 1-Rider Partylist Rep. Bonifacio Bosita Sir? Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Inaresto ng CIDG Southern Field Unit sina Glenn Nacional, 28, at Rodrigo Baqual, 37, sa Palm Village, Bgy. Gua­dalupe Viejo, Makati City matapos bugbugin nila ang kasamahan na si Reynante Bolaños, 47. Si Bolaños, mga kosa, ay VIP security ng isang Anthony alyas Boss na isang POGO financier. Gusto nina Nacional at Baqual na disarmahan si Bolaños ng kanyang issued na 12 gauge shot­gun, 9mm Sig Sauer at 9mm Berreta pistol.

Nang tumanggi ang biktima, bugbog sarado ang inabot niya sa dalawang suspects. Ang masaklap pa, ikinulong ng dalawa si Bolaños sa kanilang barracks na labag sa kan­yang kalooban. Kaya lang nakatakas si Bolaños at dito na nagsimula ang delubyo sa buhay nina Nacional at Baqual. Mismooo!

Ayon kay Francisco, humingi ng tulong ang biktima sa kaibigang si Mark Marcos at sinamahan s’ya sa CIDG Field Office South para magreklamo. Matapos makuha ang detalye sa kaso, nagsagawa ng follow-up operations ang CIDG ope­ratives at inabutan pa sina Nacional at Baqual na nag-iinu­man. Akala ‘ata nagtagumpay na sila.

Kaya lang, kamalasan ang inabot ng dalawang suspects dahil pinosasan sila at kinumpiska pa ang mga armas nila. Swak sa banga ang mga suspects dahil ang raiding CIDG team ay armado ng recording device, ani Francisco. Ang sakit sa bangs nito!

Ang nakumpiskang mga baril ay ang 9mm Glock, 22 caliber Switch gun, 9mm Canik, 9mm CZ P-10, 12 gauge shotgun SA-KA AV Tur San, 12 gauge shotgun OGUZ Savunma, 9mm CZ Shadow, 9mm Glock, 9mm Beretta, 9mm Sig-Sauer, assorted magazines at bala. Hindi pang security ang mga baril, di ba mga kosa?

Sobrang buwenas naman itong mga VIP security ng POGO financiers at nasa pangalan na nila nakarehistro ang mga baril. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Maliban kay alyas Boss, hinahanap din ng mga tauhan ni Francisco ang kapwa n’ya POGO financiers na sina alyas Coco at Owen. Parang Pinoy naman ang mga pangalan ah. Dapat na talaga sigurong ipasara na itong POGO dahil puro krimen ang dulot nito sa Pinas.

Buti na lang at andiyan si Francisco na kahit super busy sa pagsampa ng kaso laban sa suspects sa kaso nina Geneva Lopez at Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen ay puro trabaho pa rin ang inaatupag. Eh di wow! Abangan!

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with