^

PSN Opinyon

Umiwas sa matatamis; 1 itlog lang ang kainin

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MAY mga pasyente akong nagtatanong kung okey bang kumain ng isang buong hinog na mangga. Usung-uso ang mangga ngayon at mabibili sa maraming lugar.

Matamis at mataas sa asukal ang mangga. May tulong sa ating katawan ang asukal sapagkat binibigyan tayo ng energy. Ngunit kung sosobra, nakatataba at puwede tayong magka-diabetes.

Alam ba ninyo ang taglay na asukal ng mga pangkara­niwang pagkain? Basahin ang mga sumusunod:

1. Raisins 42.5 g ng Sunmaid Raisins (1/2 cup) = 7 1/2 kutsaritang asukal (120 calories). Mas mababa sa asukal ang strawberries kumpara sa ubas, mangga at dried fruits gaya ng raisins.

2. Walong baby carrots o half cup (85 g) = 1 kutsaritang asukal (30 calories).

3. Isang (1) malaking orange = 5 1/2 kutsaritang asukal (132 calories). Kapag mas matamis at mas hinog, mas maraming sugar. Piliin ang mga prutas na bagong hinog lang. Huwag piliin ang mga overripe na prutas.

4. Three-fourth cup plain cereals = 1 kutsaritang asukal (120 calories). Pero ang three-fourth cup ng frosted cereals = 3 kutsaritang asukal (120 calories).

5. Isang (1) regular na mais = 1 1/2 kutsaritang asukal.

6. Isang (1) ensaymada na may butter = 8 kutsaritang asukal at 5 kutsaritang butter.

Kung nagpapapayat, piliin na lang ang pandesal o monay.

7. Isang (1) scoop ng regular ice cream = 5 1/2 kutsa­ri­tang asukal (240 calories). Pero ang isang (1) cup unsweetened 6 oz yogurt = 3 1/2 kutsaritang asukal (100 calo­ries). Mas masustansiya ang yogurt kaysa sa ice cream.

8. Isang (1) coffee drink with whip cream (16 oz grande) = 12 kutsaritang asukal (380 calories). Pagdating sa mga inumin na may whip cream, ice cream at tsokolate, sadyang mataas iyan sa asukal. Pero, okay lang naman kung ika’y payat at gusto mong magpataba. Ngunit kung ika’y diabetic at gustong pumayat, piliin ang mga pagkaing mababa sa asukal.

Mas healthy ang asukal ng prutas na kung tawagin ay fructose, kumpara sa white sugar. Kaya maging maingat sa mga nakatagong asukal sa ating pagkain.

* * *

Isang itlog lang ang kainin araw-araw

Maraming nagtatanong kung ilang itlog ang puwedeng kainin sa araw-araw.

Ang itlog ay may protina, vitamin B12, vitamin D, riboflavin at folate. Mabuti ito sa katawan at masustansya.

Ngunit sa kabila nito, ang itlog ay may 213 milligrams ng kolesterol ang isang pula ng itlog.

Narito ang aking payo:

1. Kung ika’y malusog, walang sakit sa puso, diabetis o problema sa kolesterol, puwede kang kumain ng 1 itlog sa isang araw. Mag-ingat lang sa mga kasamang pagkain ng itlog tulad ng hotdog, bacon at tocino. Piliin ang boiled egg kaysa sa pritong itlog.

2. Kung ika’y may sakit sa puso, diabetis o mataas ang kolesterol, kailangan limitahan mo ang pagkain ng itlog sa 3 itlog lang sa isang linggo.

Sa kahit anong bagay ay dapat hinay-hinay lang ang pagkain. Kapag sinobrahan mo ang isang bagay, puwede itong makasama sa iyo.

Gulay, prutas at isda lang talaga ang masasabi nating subok na sa sustansya para sa ating katawan.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with