^

PSN Opinyon

Indian doctor, may nakitang daliri sa inorder niyang ice cream!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang doktor sa Mumbai, India ang nakabili ng ice cream na may toppings na daliri!

Nag-viral kamakailan ang video na kinunan ng doktor na si Brendan Ferrao kung saan ang ice cream na inorder niya online ay may putol na daliri ng tao.

Ayon kay Dr. Ferrao, umorder siya sa isang online app ng tatlong ice cream in a cone na gawa ng Indian ice cream brand na “Yummo”.

Pagkadeliber sa kanya ng inorder na ice cream, ang una niyang kinain dito ay ang butterscotch flavor. Nang nasa kalagitnaan na si Dr. Ferrao sa pagkain sa ice cream, naramdaman ng kanyang dila na tila may malaking piraso ng “mani” ang naturang ice cream.

Ngunit nang pinagmasdan niya ang inakalang “mani”, nagulat siya na mayroon itong kuko. Isa pala itong putol na daliri!

Kahit halos masuka si Dr. Ferrao sa sobrang pan­di­diri sa kanyang nakita, agad niyang kinunan ng video ang ice cream bilang pruweba dahil nag-aalala siya na kapag natunaw ang ice cream at humiwalay na ang daliri dito, baka paghinalaan siya na sinisiraan at sinasabotahe lang niya ang produkto.

Agad niyang pinost sa social media ang video at ini-report niya rin ito sa pinakamalapit na police station. Matapos ireport sa pulisya, kinuha ang daliri bilang pruweba at isailalim na rin sa forensic examination para matukoy kung totoo ba itong daliri ng tao.

Sa imbestigasyon na isinagawa ng mga awtoridad sa supply chain ng Yummo, ang ice cream na nakain ni Dr. Ferrao ay gawa ng Fortune Dairy, isang third party ice cream factory na kinokontrata ng Yummo para mag-manufacture ng kanilang mga produkto.

Sa masusi nilang imbestigasyon, napag-alaman na may isang factory worker sa Fortune Dairy na nagkaroon ng injury sa hinlalaki. Sa kasalukuyan, inaalam pa kung ang naturang factory worker ang may-ari ng daliring natagpuan sa ice cream.

Sa inilabas na statement ng Yummo, humihingi sila ng paumanhin kay Dr. Ferrao at ni-recall na nila ang lahat ng ice cream na gawa ng Fortune Dairy. Sinuspinde na rin nila ng produksyon ng lahat ng kani­lang produkto sa naturang factory.

Sa kasalukuyan, nagsampa na ng demanda si Dr. Ferrao sa Yummo. Ang mga kasong isinampa niya laban sa kompanya ay: adulteration of food intended for sale, sale of noxious food, endangering life or personal safety of others.

DOKTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with