^

PSN Opinyon

Lakipan ng gawa ang salita

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Nagkasundo ang Department of Foreign Affairs at emba­hada ng China na ipagpatuloy ang usapan sa paghanap ng paraang payapain ang tension sa West Phl Sea. Ayos iyan kung ang sinabing kahandaan ng China na isulong ang kapayapaan ay sinsero. Ngunit kung puro bokadura at walang gawa, ano ang silbi niyan?

Dapat lakipan ng aksyon ang salita. Kailangang patunayan ng China na tapat ito sa intensyong magtaguyod ng kapayapaan.

Kung magkakaroon ng usapan, itigil muna ng China ang  ginagawang harassment nito sa mga mangingisdang Pilipino at sa mga sasakyang pandagat natin na dumarayo sa ating teritoryong karagatan na inaangkin nila. Dumaraing na sa gutom ang mga mangingisdang Pinoy na pinipigilan ng mga Intsik na mangisda sa sarili nating teritoryo.

At hindi lamang sa embassy level dapat gawin ang usapan­. Kailangan ay top level. Presidente sa Presidente ng dalawang bansa ang dapat magkasundo at lumagda ng kasunduan.

Wa-epek, sa palagay ko ang maaabot na kasunduan kung embassy level lang dadaanin ang usapan. Lantad na ang kasinungalingan ng China. Eh kung yung arbitral ruling ng United Nations na kumikilala sa karapatan natin sa ating exclusive economic zone ay ayaw kilanlin, yung kasunduan pa kayang naabot sa embassy level lang?

Kahit sila ang nagpapasimuno ng gulo, sasabihin nilang ang Pilipinas ang agresibo. Sa huling  engkuwentro ng ating tropa sa mga Chinese Coast Guard, naging marahas ang mga Intsik na umabot sa puntong sinaktan ang mga tropa natin na ikinaputol ng daliri ng isang kagawad ng navy.

Kaya nagpadala na ng kalatas sa China ang Pilipinas na humihingi ng bayad pinsala sa pangyayari. At papaanong maniniwala sa sinabi ng China na handa silang payapain ang situwasyon sa WPS gayung batay sa rebelasyon ni Sen. Imee Marcos, may nakatutok na mga hypersonic missile ang China sa 25 lugar sa Pinas?

Pinabulaanan ito ng China pero bakit nga ba aamin ito sa kanyang kabalbalan. Ang batid natin, traydor ang China at ang lahat ay gagawin para maging pinakadominanteng bansa sa buong mundo.

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with