^

PSN Opinyon

Mga pagkaing pampatalino

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

May mga pagkain na posibleng makatulong sa pagiging healthy ng ating utak. Kapag sapat sa bitamina at nutrisyon ang iyong pagkain, mas magiging matalas ang iyong pag-iisip at memorya kumpara sa mga taong hindi kumakain nito.

Alamin natin itong mga tinaguriang “brain foods”:

1. Mani – Ang mani ay may taglay na vitamin E at good fats. Ayon sa pagsusuri, kapag mataas ang lebel ng vitamin E sa iyong katawan, mas matalas din ang iyong pag-iisip. May tulong din ang mani para sa memorya. Puwedeng kumain ng nilagang mani, kasoy at walnuts. Huwag lang piliin ang pritong mani na may maraming asin. Limitahan din ang pag­kain ng mani sa isang dakot lamang (30 grams) dahil mataas din ito sa calories.

2. Matatabang isda (oily fish) – Ang mga oily fish ay ang tuna, tilapia, salmon, sardinas, tamban at taba ng bangus. May taglay itong omega-3 fatty acids na nagpapaganda ng daloy ng dugo. Dahil dito, mababawasan ang tsansang magkaroon ng sakit sa stroke at atake sa puso. Subukang kumain ng 4 ounces ng isda tatlong beses kada linggo.

3. Itlog – Ang itlog ay mataas sa choline, isang kemikal na kailangan ng mga bata para mag-develop ang kanilang utak at memorya. Mataas din sa vitamin A, iron at folate ang itlog. Puwedeng pakainin ang bata ng 1 itlog bawat araw. Ngu­nit kung ikaw ay may sakit sa puso o mataas ang kolesterol, limitahan ang pagkain ng itlog sa 3 itlog bawat linggo.

4. Kape – Makatutulong ang kape para maiwasan ang Alzheimer’s disease at panghihina ng ating isipan. May sangkap na antioxidants at caffeine ang kape. May tulong din ang kape sa pag-memorya ng iyong inaaral pero panandalian lang ang epekto nito. Puwedeng uminom ng 1 o 2 tasang kape sa mag­hapon. Huwag din sosobrahan at baka bumilis ang pag­tibok ng iyong puso. At sana ay huwag nang lagyan ng whip cream at full cream milk ang kape para hindi nakatataba.

5. Abokado – Ang abokado ay mayaman sa vitamin B at healthy fats (monounsaturated fats) na nagpapaganda ng daloy ng dugo sa utak. May mga pagsusuri sa hayop na nag­papakita na ang abokado ay nakababawas sa stroke at naka­kababa ng blood pressure.

Payo: Dapat ding magkaroon ng healthy lifestyle para mapangalagaan ang ating utak. Matulog ng sapat at umiwas sa alak at sigarilyo.

Narito naman ang mga pagkain na makatutulong para maging mahimbng ang tulog

1. Saging – Ang saging ay may tryptophan at carbohydrates na makatutulong sa paggawa ng serotonin. Ang serotonin ay nagpapa-relaks sa atin. Nababawasan din ang stress.

2. Kamote – Ang kamote ay may masustansyang “complex carbohydrates.” Hindi ito gaano nagpapataas ng asukal sa dugo. Mayaman din ang kamote sa fiber, vitamins B6, C and E, folate at potassium.

3. Oatmeal at cereals – Sa gabi, puwede naman hindi mag-kanin paminsan-minsan. Subukan ang 1 bowl ng oatmeal o cereals sa hapunan. Ang oatmeal ay may vitamin B6 at melatonin na makatutulong sa pagtulog mo. Puwede mo lagyan ng saging at gatas na masustansya din.

4. Gatas –Ang gatas ay may tryptophan. Ang tryptophan ay nagiging serotonin sa katawan at ito ang nagpapasaya at nagpaparelaks sa atin. Mas mabilis ka pang aantukin.

5. Chamomile Tea – Ang mainit na chamomile tea ay mabisang pampatulog. Mabuti ito sa tiyan, pinapa-relaks ang stomach muscles, at may amoy na nagpapakalma din.

Payo: Pagkatapos kumain sa gabi, maglakad-lakad muna ng 10-15 minuto. Ito’y para matulungan ang katawan sa pagtunaw ng ating kinain. Makaiiwas ka pa sa sakit (tulad ng bangungot syndrome) at mas hihimbing ang iyong pagtulog.

vuukle comment

HEALTHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with