Equipment ng espiyang Chinese, masisilip na!
Masisilip na rin ang mga laman ng gadgets ni Yuhang Liu, ang hinihinalang spy ng Chinese na nahuli sa Makati City noong nakaraang buwan. Inaprubahan na ng Quezon City Prosecutor’s Office ang panibagong Warrant to Examine Computer Data (WECD) sa kahilingan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) upang masilip ng Anti-Cyber Group (ACG) ang nilalaman ng mga gadgets na nakumpiska kay Yuhang.
Nahuli si Yuhang ng mga tauhan ni CIDG chief P/Maj. Gen. Leo ‘Paco’ Francisco. Pormal nang inidorso ni Francisco ang WECD sa ACG kaya maaari nang buksan ang mga equipment ni Yuhang na gamit sa paniniktik sa ating bansa.
Ayon kay Francisco, “We have turned over to the ACG specifically to the digital forensic unit of the office for examination. So the process will be after the examination the ACG will provide us with the result. We are given 10 days to comply with this warrant to examine computer data.”
Ito lang ang nakasaad sa inaprubahan ni Judge Zoraida Zarat Tuazon ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 90 matapos na magisa ang mga testigo na sina Maj. Mae Ann Cunanan at Lt. Kyle Gabriel Bautista ng CIDG at Mery Coleen Cas, engineer ng NTC.
Nakuntento si Judge Tuazon na may sapat na ebidensiya o may facts ang aplikasyon ng tatlo sa WECD. Sabi ni Judge Tuazon, “You are herby authorized. Through the District Forensic Unit, ACG to examine computer data in relation to Section 4 (a) “Illegal Interception” and 5 (ii) “misuse of devices” of R.A. No. 10175 otherwise known as the “Cybercrime Prevention Act of 2012” has been committed”.
Bukod sa mga gadgets ni Yuhang, ipasisilip na rin ni Judge Tuazon sa ACG ang mobile phone data logs, communication records, be it SMS, or call logs, going in and coming out from the said mobile number, wich shall include their dates and time and places of acces, at other pertinent information/data and noticeable evidences that will lead to the commission of the offense (s).
Mahigpit ding ipinag-utos ni Judge Tuazon na isumite sa kanyang opisina sa pamamagitan ng sealed package ang resulta ng pagsisilip ng ACG sa mga nakumpiskang kagamitan ni Yuhang.
Naniniguro lamang si Judge Tuazon na hindi moro-moro ang pagsisiyasat na gagawin ng mga taga-ACG dahil ang nakataya rito ay ang reputasyon at siguridad ng bansa.
Sa panahon ngayon na masigasig ang mga Chinese sa pag-angkin ng mga teritoryo ng Pilipinas, dapat lamang na maging masigasig trabahuhin ang pagsisiyasat sa mga dayuhang nais maniktik sa ating bansa. Abangan!
- Latest