^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bantayan mga Chinese na sangkot sa POGOs

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bantayan mga Chinese na sangkot sa POGOs

LABIMPITONG Chinese ang sangkot sa operasyon ng POGOs sa Bamban, Tarlac na sinalakay ng PAOCC noong Marso at Abril 2024. Dito nabulgar na ang compound na inookupa ng POGOs ay pag-aari ng suspendidong Bamban Mayor Alice Guo. Itinanggi naman ni Guo ang mga akusasyon. Iniimbestigahan ng Senado si Guo dahil sa kahina-hinalang nationality­ nito. Nabatid naman noong nakaraang linggo na nag-match ang fingerprint ni Guo sa Chinese national na si Guo Hua Ping batay sa ginawang pagsusuri ng NBI. Ibig sabihin, hindi Pilipino si Guo. Mula nun, hindi na dumalo ng Senado si Guo. Ayon sa mga abogado ni Guo, maysakit ito at na-stress.

Kasabay sa pagkakatuklas ng parehong fingerprints, napabalita naman na isang Chinese na sang­kot din sa POGOs sa Bamban ang nagtangkang tumakas ng bansa. Pasakay na umano ng eroplano sa Davao Inter­national Airport ang 30-anyos na si Zhang Ji nang pigilan ng Bureau of Immigration (BI). Si Zhang ay isa umano sa mga boss sa POGOs sa Bamban at may kaugnayan din sa POGOs sa Porac. Sabi ng BI, may problema sa visa si Zhang dahil dineklara nito na unemployed subalit ang pinresenta ay 9(g) commercial employment visa. Dinala sa BI facility si Zhang at patu­loy na iniimbestigahan.

Ang pagtatangka ni Zhang na tumakas ay maa­aring­ gawin din ng iba pang Chinese na sangkot sa POGOs. Maski si suspendidong mayor Alice Guo ay maaring gawin ito. Walang imposible sa pagtakas sa bansang ito sapagkat maraming corrupt na opisyal at tauhan ng gobyerno.

Kung gaano kabilis na nakapasok sa bansa ang maraming Chinese na nag-setup ng illegal POGOs, ganyan din sila kabilis na makakalabas sa bansa kapag­ nahuli. Madali lang “tapalan” ng pera ang mga tiwaling emple­yado at opisyal ng BI. Noong 2021, ibinulgar ni Sen. Risa Hontiveros na nagbabayad nang malaking­ halaga ang mga Chinese para makapasok nang walang aberya sa Pilipinas. Tinawag ni Hontiveros na “pastillas­” scam ang modus. Maraming sinibak si dating President Duterte na mga opisyal at empleyado ng BI. “Pinakain” pa niya ng nirolyong pera ala pastillas ang mga korap.

Maaaring mangyari muli ang “pastillas” scam ngayon. Posibleng ang Chinese na nagtangkang tumakas sa Davao Airport ay may kasabwat na korap na opisyal ng BI. Bakit sa Davao niya naisipang dumaan para tumakas?

Bantayan ang mga Chinese na sangkot sa POGOs at baka magliparan na ang mga ito palabas ng bansa. Bantayan din naman nang todo ang mga korap sa BI.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with