^

PSN Opinyon

Raket ng Chinese casino financier, nabuwag ng MPD!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Malakas ang kita ng raket ng Chinese casino financier na si Song Peng Ren, alias Luo Jie. Chinese na naman? Puro Chinese na lang ang nasa balita ah? Ang sistema ni Song ay ang magpautang sa kanyang kliyente na nagu­gumon sa kanyang Xi Lai Deng Casino sa Ermita, Manila at kapag hindi magbabayad ay kanyang pinupugo. Dipugaaa!

Hindi POGO ang tinutukoy ko mga kosa ha? Pugo na kinukulong. Ayon kay MPD director Brig. Gen. Arnold Thomas “Tom” Ibay, pauutangin ni Song ang suki niya ng P200,000 at kapag hindi kaagad nagbayad ay magiging P500,000 na ito, kasama ang tubo. Eh di wow! Mahigit pa sa doble ang kita. Mismooo!

Kaya lang ang sistemang ito ni Song, 35, ay natuldukan ni Ibay. Si Song ay inaresto nina Lt. Col. Wilfredo Fabros­, Ermita police station commander; Maj. Edwin Fuggan, ng Remedios PCP; Lt. Col. John Guiagui, MPD intel chief; Col. Orlando Mirando, chief DIMDM at kanyang deputy na si Lt. Col. Rommel Anicete at na-rescue ang kanyang biktima na si Lou Jing alyas Jun Cheng, 31, na isang computer technician.

Imbes na kumita ng limpak-limpak na salapi, si Song sa ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal sa MPD custodial center matapos makasuhan ng kidnapping, illegal detention at robbery sa sala ni Assistance City prosecutor Jonah Rivera. Swak sa banga si Mr. Song. Pinaghahanap na ang kanyang apat na kasama sa kaso. Araguyyy! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ni Ibay na si Lou at kasamang kapwa-Chinese na si Yang Jinwen, 30, businessman ay nagsadya sa Xi Lai Deng casino sa Adriatico Square na makikita sa kanto ng Gen. Malvar St., at Adriatico St., sa Ermita noong Mayo 30 para maglibang. Si Lou ay naganyak na pumasok sa casino samantalang si Yang ay uminom ng alak sa bar ng establisimyento.

Maya-maya, nakatanggap si Yang ng mensahe sa Tele­gram Apps na nagsasabing dini-detain s’ya ng casino bunga sa hindi pagbayad ng utang kay Luo. Sa pag-imbestiga ni Yang, naglaro pala ng Bacarrat itong si Luo at natalo, Enter the dragon…. este si Song at pinahiram si Luo ng P200,000. Kaya lang imbes na makabawi, lalong nabaon si Luo sa utang. Siyempre, wala s’yang pambayad. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito, di ba mga kosa?

Teka-teka, may pambayad din pala si Luo sa kanyang utang na P200,000, ayon kay Ibay. Kaya lang hindi puma­yag si Song na hindi kasama ang tubo sa babayaran niya. Hindi lang ‘yan, kapag walang pera si Luo, pakakawalan lang siya ni Song subalit magtatrabaho ito sa kanya hanggang mapunuan ang utang. Walandyo! Kaya kasama ang kaibigang si Fu Quiang, nagsampa si Yang ng reklamo kay Ibay at nadale si Song. Matapos mahuli si Song, si Luo ay iniwan ng mga suspect sa kanto ng Malvar at Adriatico Sts. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Hindi pa malaman kung hahabulin ng MPD ang security officer ng casino na si Mark Anthony Morales, na hindi nag-cooperate sa imbestigasyon nila sa kaso. Nag-request kasi ang MPD na masilip ang CCTV footages ng casino kaya lang ayaw itong tanggapin ni Morales. Abayyy! Kumampi pa sa mga Chinese eh. Abangan!

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with