^

PSN Opinyon

Self-destructing Duterte

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Nakaaaliw at nakatatawa talaga madalas ang mga pahayag ni ex-president Rodrigo Duterte. Iyan na ang kanyang ugali sapul pa ng kumakampanya pa lang para sa pangu­luhan. Isama na riyan ang “biro” raw niya na mabu­ting maging probinsiya ng China ang Pilipinas.

Matapos na kumpirmahin ng kanyang anak na si VP Sara na ang tatay niya at dalawang kapatid na sina Polong at Baste ay tatakbo sa pagka-senador, agad itong pinabula­anan ng dating Presidente. Aniya “laos na ako, tapos na ako sa pulitika.”

Dagdag pa niya, huwag daw kumagat kay VP Sara. Huwag paniwalaan dahil ang anak niyang ito ay kaparehas niya. Obviously, kaparehong sinungaling.

Kailan lang, galit niyang tinawag si Presidente Bongbong na adik na sumisinghot ng pulburon o cocaine. Tapos ng naibalita ito, sinabi niyang wala siyang sinasabing ganoon. Hindi ko alam kung sinasadya niya ito o baka talagang dinapuan na ng Alzheimers disease.

Kung ganyan na ang takbo ng isip niya, baka pati sa pagka-barangay captain ay hindi na siya kuwalipikado. Ang mga pinaggagagawa niya ay mga bagay na siya ring sumi­sira sa kanya.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with