^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Mababago na kaya ang DepEd?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Mababago na kaya ang DepEd?

LABINLIMANG araw makaraang magbitiw bilang Education Secretary si Vice President Sara Duterte, nakakuha na ng kapalit niya si President Ferdinand Marcos Jr. sa katauhan ni Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara. Isang linggong lumutang ang pa­ngalan ni Angara na posibleng maging DepEd secretary. Apat na iba pa ang pinagpilian ng Presidente. Pinili si Angara sa kabila na marami ang nagsasabing huwag pulitiko ang iupo at sa halip, isang edukador na nagmula rin sa kagawaran ang piliin para alam ang mga gagawin.

Maraming problema sa DepEd. Nakalulungkot na ini­wan ito ni VP Sara na batbat ng problema. Duma­ting si Sara sa DepEd na maraming problema at nilisan niya na mas maraming problema. Walang nalutas sa kabila na isa ito sa mga departamentong may mala­king budget na umaabot sa P924.7 billion.

Sa kabila na may malaking pondo, sandamakmak ang mga problema sa DepEd at apektado ang kalidad ng edukasyon. Napag-iiwanan ang mga kabataang Pilipino sa maraming larangan. Maraming bata sa kasaluku­yan na edad 8 ang hindi marunong sumulat at bumasa. Mas dumami ito noong panahon ng pandemya.

Taun-taon, problema ang kakapusan ng mga silid-aralan. Marami sa mga estudyante sa public schools ay napipilitang magdaos ng klase sa lobby ng eskuwe­lahan, comfort room na ikinonvert sa classroom at sa lilim ng punongkahoy na nasa bakuran ng eskuwelahan. Maraming estudyante ang siksikan na parang sardinas sa isang classroom dahilan para marami ang walang matutuhan sa itinuturo ng guro. Ayon sa report, mahigit 50 estudyante sa isang classroom na dapat ay 30 lamang.

Problema rin ang kakulangan ng mga mahuhusay na guro. Walang makuhang mahusay na guro dahil ka­karampot ang suweldo. Habang maraming public officials ang sumasahod ng daang libong piso o mahigit pa sa isang buwan, ang mga guro ay nagtitiis sa maliit na suweldo. Pati pambili ng chalk ay sa bulsa pa nila kinukuha.

Problema sa kasalukuyan ang pagiging kulelat ang mga estudyanteng Pinoy sa Science, Math at Reading Comprehension. Nakita ang nakadidismayang resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA). Nakita ang kahinaan ng mga Pilipinong estudyante kumpara sa mga estudyante sa 81 bansa.

Kamakailan lang, nakita ang mahinang performance ng mga Pilipinong estudyante na may edad 15 sa crea­tive thinking na isinagawa rin ng Programme for International Student Assessment (PISA).

Mabigat ang susuungin ni Angara sa DepEd. Sa tanggapang ito masusukat ang kanyang husay at sana, malutas niya ang mga problema rito. Hindi sana mabigo ang mamamayan sa kanya. Maging kakaiba sana siya sa dating DepEd secretary.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with