^

PSN Opinyon

Mahapding sikmura

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MARAMI ang nakararamdam ng paghapdi ng sikmura. Nangyayari ito kapag nalilipasan ng pagkain at nai-stress sa trabaho. Dahil din sa sobrang acid kaya humahapdi ang sikmura. Ang tawag dito ay gastritis o hyperacidity.

Para maiwasan ang paghapdi ng sikmura, sundin ang mga sumusunod:

1. Kumain nang madalas pero pakonti-konti lamang. Halimbawa, kumain ng 7:00 a.m. Magsaging ng 10:00 a.m. Mag-lunch ng kaunti lang. Magmeryenda ng tinapay sa 4:00 p.m.. Mag-dinner ng 7:00 pm. Kahit busy sa trabaho, huwag kalimutang kumain sa oras. Ingatan ang tiyan.

2. Saging at tinapay. Napaka-healthy ng saging. Bukod sa madaling baunin at kainin, ang saging ay parang gamot na rin dahil natatapalan nito ang sikmura. Ang pandesal din ay maayos sa sikmura at nakakabusog pa.

3. Uminom ng tubig pakonti-konti. Malaki ang naitutulong ng pag-inom ng tubig sa paglinis ng acid sa tiyan. Ang tamang pag-inom ay ang paglagok ng konting tubig bawat 20 minutos. Sa ganitong paraan, mahuhugasan at malilinis ang acid sa tiyan.

4. Umiwas sa pagkaing nakakahapdi ng tiyan. Umiwas­ sa maasim at maanghang. May mga pagkaing nakahahapdi ng tiyan. Umiwas sa mga sobrang spicy na pagkain. Ang sili, kalamansi, suka, sinigang na sobrang asim at pine­apple juice na puro ay puwedeng magdulot ng paghapdi ng sikmura. Ang sobrang lamig na inumin ay nakakairita rin ng tiyan.

5. Hindi na kailangan ng gamot sa ordinaryong pag­hapdi ng sikmura. Kumain na lang ng mga pagkaing ikaka­relaks ng tiyan, tulad ng saging, tinapay, kanin, lugaw at gulay.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with