^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Madaling magnakaw at magpeke sa Pilipinas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Madaling magnakaw at magpeke sa Pilipinas

Hindi na nakapagtataka kung bakit maraming dayuhan ang pinipiling magtungo sa Pilipinas at dito magtayo ng illegal na negosyo—madaling makapagnakaw ng pagkakakilanlan at magpeke ng mga dokumento rito. Higit sa lahat—madaling suhulan ang mga nasa puwesto. Dito sila gumagawa ng kung anu-anong illegal at ­inaakala nila na madali rin itong malulusutan. Hindi lang negosyo ang naitatayo gamit ang mga pinalsipikang dokumento kundi nakakatakbo pa sa halalan—at marami namang mamamayan ang napaglalalangan.

Isang magandang halimbawa ay ang kaso ng suspendidong mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo. Noong Huwebes, kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang fingerprints ni Alice Guo at Guo Hua Ping ay pareho. Nagpapatunay na iisang tao sila at lumalabas na hindi Pilipino si Guo. Hindi raw magsisinungaling ang fingerprints sabi ng NBI.

Ang pagkakakumpirma ng NBI ay lalong nagpa­lakas sa hinala ni Sen. Risa Hontiveros na si Guo ay isang Chinese na nagkukunwaring Pilipino. Sa mga nakalap na detalye ng Senado, nakasaad sa certificate of candidacy ni Guo bilang mayor ng Bamban, ipinanganak ito noong Hulyo 12, 1986 sa Tarlac at ang ina ay si Amelia Leal. Pero ayon kay Hontiveros, si Alice Guo ay si Guo Hua Ping na ipinanganak sa Fujian, China noong Agosto 31, 1990.

Wala pang sagot ang suspendidong mayor sa natuklasan ng NBI pero sabi ng kanyang mga abogado, sasagutin nila lahat ang mga inaakusa kay Guo. Mapapatunayan umano nila na mali ang mga paratang kay Guo at ito ay naaakusahan at nalilitis na sa publisidad o trial by publicity. Hindi dumalo sa pagdinig ng Senado si Guo sapagkat may sakit umano at labis na na-stress.

Bukod sa pagpeke sa kanyang pagkakilanlan, dineklara rin ni Guo ang mga pekeng incorporators ng Hongsheng Gaming Technology—ang POGO na narepresenta niya bago tumakbong mayor—na kinabibilangan ng tatlong babaing vendors sa Bamban Public Market. Ang isa ay vendor ng gulay, ang ikalawa ay nagrarasyon ng almusal at ang ikatlo ay tindera ng ihaw-ihaw. Paano nanakaw ang impormasyon at pati pirma ng tatlong vendors na nagsabing wala silang kaalam-alam kung ano ang POGO.

Ganyan kalawak ang pamemeke at pagpalsipikang kinasasangkutan ni Guo. At habang tumatagal ay nalulubog siya sa kumunoy ng mga sinabi niyang kasinungalingan na siya raw ay isang Pilipino at hindi espiya ng China. Sa mga natutuklasan sa kanya, lumalabas na totoo ang mga hinala.

Paano nagawa na makalusot ang pamemeke at pagnanakaw ng pagkakakilanlan? Korapsiyon ang ugat. Dapat magkaroon ng reporma sa mga ahensiya at tanggapan upang maputol na ang ganitong masamang gawain.

vuukle comment

BAMBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with