^

PSN Opinyon

3 stooges, nangotong gamit ang pangalan nina Marbil at Francisco!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Halos tatlong buwan na sa puwesto si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil subalit hindi pa rin tumitigil ang mga scammers para gamitin ang pangalan n’ya, at ang kay CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco sa kanilang raket na ang kadalasang biktima ay mga gambling operators. Kaya lang, imbes na kumita ng limpak-limpak na salapi, abayyy maghihimas ng rehas na bakal ang mga suspects na sina Ralph Stephen Abrenica, Jeffrey Sison at Neil Toledo.

Ang ipinagtataka lang ni Francisco, si Abrenica ay taga-San Juan, Batangas samantalang sina Sison at Toledo ay taga-Pasig City. Ang tanong, paano nila nasuyod ang buong Mindanao para mang-scam? “We are still doing background check of the suspects because nagulat din ang mga ­operatiba natin sa General Santos na they came from Luzon. So akala nila taga-Mindanao area lang but they were also surprised na from Luzon and from Metro Manila pa. I am warning the public not to follow the demand of these personalities,” ani Francisco sa isang press briefing sa Camp Crame. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Hindi lang naman mga pangalan nina Marbil at Francisco ang gamit ng “3 stooges” dahil binabanggit din nila ang opisina ng ilang government officials. Ang hinihinging pitsa ng tatlo sa mga gambling operators ay aabot sa P2.5 milyon. Inaarok pa ni Francisco kung weekly ba ito o monthly. Tsk tsk tsk!

Dapat magsuot na ng makapal na helmet itong sina Marbil at Francisco, no mga kosa? Malalaking bukol na pala ang inabot nila sa “3 stooges.” Mismooooo! Sinabi ni Francisco na namonitor ng CIDG field office na may mga kausap na gambling operators ang tatlo sa Davao Region at iba pang bahagi ng Mindanao. Dipugaaa! Ang sakit sa bangs nito!

“They were in Mindanao region for a very good reason. They are using the name of the director CIDG, the name of the chief PNP and other government personalities in their nefarious activities. Specifically they are meeting the illegal gambling operators in that region to collect money,” ani Francisco. Ang pitsa ay bilang protection money ng mga gambling operators para maiwasan ang raid sa kanilang negosyo.

“May mga impormasyon na matagal na ito and ‘yun ‘yung tinatrabaho namin, bina-background namin kasi lagi na lang ganito. ‘Yung mga impormasyon na may mga ginagamit na pangalan ng mga bagong umuupong matataas na opisyal ng PNP, including matataas na opisyal ng ating gobyerno,” dagdag pa ni CIDG director. Eh di wow!

Kaya ko nasabi na matagal-tagal pang hihimas ng rehas na bakal ang “3 stooges” dahil nahulihan sila ng armas at granada nang sitahin habang bumibiyahe patungong Bgy. Labangal, General Santos City. Nakuha kay Toledo ang isang Colt MKlV Cal. 45 pistol habang tig-iisang granada naman kina Abrenica at Sison. Itong possession ng granada mga kosa ay no bail. Nakumpiska rin ang kulay silver na Mitsubishi Montero na may plakang LAM 9547. Hehehe! Swak sa banga kayo ngayon!

Teka nga pala mga kosa, hindi pa tapos ang laban! Inaalam sa ngayon ni Francisco kung itong lakad ng “3 stooges” ay may basbas ng high ranking PNP officials. Araguyyyyy! “Kasama yun sa tinitingnan natin para makita natin bakit at kung saan kumukuha ng lakas ng loob itong mga tao na ito,” ang giit ni Francisco. Abangan!

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with