^

PSN Opinyon

Isang lalaki ang inaresto sa New Delhi airport matapos mabisto na nagbabalatkayo ito na isang senior citizen para makasakay ng eroplano papuntang Canada!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nasawata ng mga awtoridad sa Indira Gandhi International Airport ang lalaking nagngangalang Guru Sewak Singh matapos nilang mapansin na hindi nagtutugma ang hitsura, kilos at boses nito sa ipinakita niyang passport.

Ayon sa Central Industrial Security Force, sinubukang mag-check in ng suspek sa isang flight patungong Toronto, Ca­nada sakay ng Air Canada airlines gamit ang passport ng isang 67-year-old na nagngangalang Rashvindar Singh Sahota.

Upang tumugma ang kanyang hitsura sa litrato sa passport, kinulayan ni Guru ang kanyang buhok, bigote at balbas ng puti. Nagsuot din ito ng salamin at turban upang itago ang kanyang totoong pagkakakilanlan.

Pero nabisto ito ng mga security personnel ng airport nang mapansin nilang makinis ang kutis nito para sa isang senior citizen at ang boses nito ay masyadong pambata.

Nang isinailalim sa interrogation ang suspek, nalaman nila ang totoong identity nito at nakita na nakatago sa bagahe nito ang totoo niyang passport. Ayon sa passport nito, napag-alaman na ang birthyear nito ay 2000 imbis na 1957. Nang tinanong ito ng mga awtoridad kung paanong napapunta sa kamay niya ang passport ni Sahota, wala itong ibinigay na malinaw na sagot kaya ibinigay siya sa pulisya.

Ayon sa Delhi police, maaaring bahagi ng isang human trafficking scheme si Guru na may modus operandi na pumupuslit pa­puntang ibang bansa gamit ang passport ng mga senior citizen na may valid visa sa destinasyong bansa. Sinampahan si Guru ng mga kasong cheating by impersonation, cheating, forgery at using as genuine a forged document.

Hindi ito ang unang kaso ng impersonation sa Indira Gandhi International Airport. Noong 2019, nahuli ang 32 anyos na si Jayesh Patel nang gamitin nito ang passport ni Amrik Singh isang 81-anyos na lalaki. Sa kabila ng magaling na pagbabalatkayo, nabisto ito nang mapansing ayaw nitong makipag-eye contact sa immigration officers.

INDIRA GANDHI INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with