^

PSN Opinyon

Financial literacy ikinasa para sa mga OFW sa Qatar

PINOY OVERSEAS - Ramon Bernardo - Pilipino Star Ngayon
Financial literacy ikinasa  para sa mga OFW sa Qatar
Ang paglagda ng BMKQ at OFIE-M ng kasunduan sa paglulunsad ng financial literacy program para sa mga overseas Filipino worker sa Qatar. Nasa larawan mula kaliwa sina OFIE-M Pro at Training Development Committee Chairman ArisJay Riparip, OFIE-M President Edgar I. Boyano, BMKQ President Eliseo S. Bermido at BMKQ Secretary Liza Ronquillo.

Dalawang organisasyon ng mga Pilipino sa Qatar ang nagsanib-puwersa sa paglulunsad ng komprehensibong programa sa financial literacy mula sa Agosto ng taong kasalukuyan para sa mga overseas Filipino worker sa naturang bansa.

Nilagdaan nina Bayanihan ng Manggagawa sa Konstruksyon ng Qatar (BMKQ)  President Eliseo Bermudo at Overseas Filipino Investors and Entrepreneurs Movement (OFIE-M) Engr. Edgar Boyano ang isang  Memorandum of Understanding sa isang seremonya sa Doha, Qatar na dinaluhan ng ibang mga opisyal ng dalawang organisasyon noong Hunyo 15, 2024.

Tututukan ng kasunduan ng OFIE-M at ng BMKQ ang pagsasagawa ng limang linggong financial literacy class series na metikolosong binalangkas para sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Qatar. Layunin nito na tugunan ang kritikal na aspeto ng mga pangangasiwa sa pera at pagnenegosyo na tumutugma sa reintegration program ng pamahalaan ng Pilipinas. Idinidiin din dito ang kahalagahan ng pagbibigay sa mga Pilipino sa ibang bansa ng mga kinakailangang kasanayan at kaalaman sa mabisang paghawak ng kanilang mga kinikita at pagsaliksik ng mga oportunidad sa pagnenegosyo.

Ayon sa pahayag ng dalawang grupo, hangarin nilang suportahan ang mga OFW sa pamamagitan ng education at empowerment.

Isang halimbawa ito sa marami nang mga financial literacy program na isinasagawa ng iba’t ibang mga ahensiya, institusyon, indibidwal at organisasyon (pampubliko at pribado) sa nagdaang mga taon at dekada sa mga bansang merong mga OFW tulad sa Gitnang Silangan, North America, Europe at Asya.  Maging sa Pilipinas ay meron nito tulad ng mga hakbang na ginagawa ng Department of Migrant Workers at mga ahensiya sa ilalim nito tulad ng Overseas Workers Welfare Administration sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang mga pribadong sektor o institusyon sa bansa.

Idiniin ni Boyano na napakahalagang matutuhan ng mga OFW ang financial literacy. Ang financial literacy ay nakapagbibigay ng kaalaman upang makagawa ng tamang desisyon sa pamumuhunan o pagtatayo ng sariling negosyo. Isa itong edukasyon sa tamang paghawak ng utang at pag-iwas sa utang at nagtuturo din kung paano na epektibong pamahalaan ang mga remittances.

Idinagdag niya na ang matalinong pamumuhunan ng mga OFW ay nakatutulong sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.  Ang isang OFW ay dapat nagpaplano na dapat ng kanilang pagreretiro sa oras na sila ay magdesisyon na magtrabaho sa ibang bansa. Ang financial literacy ay makakatulong upang sila ay hindi masyadong umasa sa pamilya o tulong ng gobyerno. Ito ay magiging gabay nila para makatayo sa sariling paa kahit hanggang sa pagtanda nila.

Malawak ang pakahulugan sa financial literacy bagaman karaniwang isa itong matalinong kakayahan, desisyon at kaalaman sa tamang paghawak at paggamit ng pera, kung paano ito gagastahin ng tama, paano ito puwedeng palaguin, paano iba-budget ang iyong sinasahod o kinikita, o paano haharapin ang mga problema sa mga utang at paano makakaipon ng pera at paghandaan ang kinabukasan.

Sa financial literacy, nagiging maalam at responsable ang isang tao sa mga desisyon hinggil sa pera. Pinapaunawa rito ang mga konsepto tulad ng sa budgeting, sa-vings, pagtitipid, investing at debt management. Gabay ito sa mga mas mainam na pagpapasya sa pamamagitan ng problem solving, critical thinking at pag-unawa sa mga mahahalagang usapin at konsepto sa basic personal finance.

Sa financial literacy, alam mo kung paano gumasta, magtipid at mag-ipon ng pera sa wastong paraan. Sinasabi nga sa isang blog ng Vistaland International Marketing, Inc. na maraming OFW ang nabibigo sa kanilang pakikipagsapalaran sa ibayong-dagat dahil kapos sa kaalaman sa tamang paggasta, pagtitipid at pag-iimpok ng perang pinaghirapan nila sa ibang bansa. Umuuwi sila sa Pilipinas na kapos pa rin sa pera, baon pa rin sa utang, walang naipundar, walang sariling bahay, at walang paghahanda sa pagdating ng emergency o panahong wala nang trabaho o hindi na makapagtrabaho. Isa rin ito sa mga dahilan kung kaya may mga OFW na patagal nang patagal ang pananatili o pabalik-balik  sa ibang bansa.

Sa financial planning, Tinuturo ang disiplina para masubaybayan ang financial goal (short term, medium term at long-term).

Ang short term ay mga buwanang gastusin na kailangan para sa ba-tayang pangangailangan ng tao kabilang ang pagtatabi ng emergency fund. Ang medium-term ay iyong mga layunin na gusto mong makamit sa susunod na limang taon halimbawa tulad ng pagbili ng bahay o kotse. Ang long-term goals ay iyong mga layunin na tatagal nang mahigit limang taon bago makumpleto.

Sa financial literacy, nabibigyan ang isang tao ng kakayahan na magkaroon ng kasiguruhan sa aspetong pinansiyal. Kabilang sa itinuturo ang tamang pagba-budget (unahin halimbawa ang pagbabayad sa mga utang at mga bills tulad sa kuryente, matrikula,  bahay, internet, cre-dit card, at bawasan ang hindi kailangang gastusin) at pagtitipid, pag-iipon, pagnenegosyo o pamumuhunan. Sa tamang mindset at disiplina, magkakabunga ng maganda ang mga pagsisikap sa ibang bansa. Gawing prayoridad ang pag-iipon.

Mahalaga ang kahandaan sa mga mangyayari sa hinaharap na walang sino man ang nakakabatid.

* * * * * *  * * * * *

Email- [email protected]

QATAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with