^

PSN Opinyon

Dynasts pumuporma na para sa Halalan 2025

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Pumuporma na para sa Halalan 2025 ang mga mambabatas. Sa Oct. 2024 pa ang pagpapatala ng kandidatura. Pero ngayon pa lang ay namumulitika na sila.

Abala ang super majority ng kamara de representantes sa pag-imbestiga sa dating administrasyon. Inuulirat nila ang lihim na kasunduan ni dating President Rody Duterte sa Beijing. Pumayag umano siya na huwag kumpunihin ang BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal. Pagsuko raw ito ng soberenya ng Pilipinas, dahil kung gumuho ang barko ng Navy ay aagawin ng China ang bahura.

Animo’y makabayan ang mga kongresista. Pero sa totoo’y sumusunod lang sila sa kumpas ng liderato ng kamara. Kontra kina Rody at VP Sara Duterte ang lideratong ito. Nanghihingi lang ang super majority ng perang pangkam­panya sa kani-kanilang distrito.

Sara Duterte at Marcos Jr.
PNA photo

Baliktad sa Senado. Doon si President Bongbong Marcos naman ang iniimbestiga. Inuulirat ang umano’y pagka-adik niya sa cocaine. Senadores na maka-Duterte ang namu­­muno sa siyasat. (Napalitan tuloy ang liderato ng Senado. Hindi sumunod sa kagustuhan ng Malacañang.)

Pambansa ang mga botante ng senadores. Pinaka-po­pular na Cabinet member si VP Sara bilang Secretary of Education. Pinaka-popular din siyang kandidato sa Panguluhan sa 2028. Kaya kumakapit sa kanya ang re-electionist senators.

Sa isang isyu lang nagkakaisa ang mga kongresista at senador. Ito’y ang pagpapanatili sa poder ng kani-kani­lang political dynasties. Nagbubulag-bulagan sila sa probisyon ng Konstitusyon kontra dynasties. Nagbibingi-bingihan sa mga panawagan na naisabatas ang paglimita sa dynasties.

Mas masaklap, walang kibo ang maraming botante. Nag­hihintay lang na ibenta ang mga boto sa Mayo 2025. Hindi nila mabatid na dynasties ang dahilan kaya nananatili silang mahirap at mapurol.

vuukle comment

HALALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with