^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagpapadala ng OFWs sa Kuwait, busisiin ng DMW

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pagpapadala ng OFWs sa Kuwait, busisiin ng DMW

Pumayag na ang Kuwait na tumanggap ng domestic helpers sa Pilipinas makaraan ang isang taong pag-ban sa pag-iisyu ng working visa. Inalis ng Kuwait ang pag-iisyu ng working visa noong Mayo 10, 2023 nang walang pasabi kaya maraming paparating na OFWs sa Kuwait ang naapektuhan. Ang ibang OFWs ay hindi na pinapasok sa Kuwait at pinabalik agad sa Pilipinas makaraan ang walang pasabing ban. Ang dahilan sa biglaang pag-ban, lumabag daw ang Pilipinas sa bilateral agreement na nilag­daan noong 2018. Kabilang din daw sa nilabag ay ang pagtatayo ng shelters para sa mga OFWs na minaltrato. Itinanggi naman ito ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA). Walang nilalabag na batas ang Pilipinas.

Ngayon ay balik na uli ang pagpapadala ng domestic helpers dahil pumayag na ang Kuwait. Ayon sa pahayag ng Kuwait Interior Ministry bumuo na raw ng isang joint committee kaugnay sa domestic labor affairs. Tutugunan­ daw ang anumang isyu na may kinalaman sa mga Pilipinong manggagawa.

Ngayong puwede na namang magpadala ng workers sa Kuwait, nararapat na maging maingat ang DMW parti­kular sa pagpapadala ng Pinay domestic helpers doon. Ilang beses nang hindi tumutupad ang Kuwait sa kasunduan para maproteksiyunan ang mga OFWs. Maraming OFWs ang inaabuso, minamaltrato, hindi pinasusuweldo at ang matindi, ginagahasa at pinapatay ng amo.

Noong Pebrero 2023, sinuspende ng Pilipinas ang pag­­pa­padala ng mga bagong household workers­ sa Kuwait­ dahil­ sa panggagahasa at pagpatay kay Julee­bee Ranara. Natagpuan ang sunog na bangkay ni Ranara sa isang disyerto noong Enero 2023. Ang 17-anyos na amo nito ang gumahasa at pumatay kay Ranara. Bukod kay Ranara, pinatay din sa Kuwait sina Joanna Dema­felis, Cons­tancia Dayag at Jeanelyn Villavende. Ka­rumal-dumal ang ginawa kay Demafelis noong 2018 na maka­raang patayin ng amo ay inilagay sa freezer. Nahatulan na ang pumatay kay Demafelis. Ang tinedyer na pumatay kay Ranara ay nahatulan lamang ng mababang sentensiya kaya sumisigaw ng hustisya ang mga kaanak.

Tiyakin ng DMW na tutupad ang Kuwait sa kasunduan na bibigyan ng proteksiyon ang OFWs. Siguruhin din naman ng DMW na masubaybayan nila ang OFWs lalo na ang household workers para hindi maabuso ng employer na Kuwaiti. Bago mag-deploy ng domestic workers, mag­sagawa ng orientation campaign o seminar upang maintindihan nila ang kulturang Pinoy, kaugalian at nang mabawasan ang mga hindi pagkakaunawaan sa nasabing bansa.

Kung sa kabila na mayroon nang agreement ang Kuwait at Pilipinas ay magkaroon pa rin nang paglabag at maraming maabuso, dapat itigil na talaga ang pagpapadala ng workers sa nasabing bansa. Magkaroon na ng aral ang DMW sa mga nakaraan.

KUWAIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with