Mga bawal kainin bago matulog
DAPAT mag-ingat sa mga kinakain bago matulog.
Narito ang mga pagkaing dapat iwasan sa gabi o bago matulog:
1. Karneng baboy at baka. Kapag maraming karne na kinain, mahihirapan itong tunawin ng tiyan. Maglalabas nang maraming asido ang tiyan para piliting tunawin ito. Puwedeng kumain ng karne pero kaunti lang.
2. Pagkaing spicy at maanghang tulad ng sili, paminta, hot sauce at curry.
Kapag kumain ng spicy foods sa gabi, baka humapdi ang sikmura. May pag-aaral sa Australia na nagpapakita na ang mga taong mahilig sa hot sauce at mustard ay mas hindi makatulog sa gabi.
3. Pag-inom ng alak. May maling paniniwala na ang alak ay makatutulong sa pagtulog. Oo, makakatulog ka sa umpisa, pero pagising-gising ka naman sa gabi. Magkakaroon ka pa ng hang-over at sakit ng ulo sa umaga. Ang alak ay nagpapatanda rin ng mukha at balat dahil nakaka-dehydrate ito. Kahit edad 30 lang ang alcoholic, puwede siya maging mukhang 50 na.
4. Kape at energy drinks. Ang mga inuming may caffeine ay nagpapagising sa atin. Kapag mahilig uminom ng kape, baka hindi makatulog sa gabi. Mas matindi ang epekto ng energy drinks dahil apat na beses ang dami ng caffeine nito kumpara sa kape. Ang 1 lata ng energy drink ay may 80 milligrams ng caffeine.
5. Softdrinks. Bukod sa caffeine, ang softdrinks ay mataas sa asukal na puwedeng magdulot ng pagkabalisa.
- Latest