^

PSN Opinyon

Kampanya laban sa HIV, STI palalakasin ng ‘Klinika Eastwood’

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

HALOS patapos na ang buwan ng Hunyo pero hindi pa rin dito nagwawakas ang mga nakalinyang programa natin bilang pagdiriwang ng Pride Month.

Isa na rito ang inilunsad nating “Klinika Eastwood” kung saan puwedeng makakuha ng komprehensibong HIV at STI testing, counseling, treatment services, at marami pang iba.

Makasaysayan ang gagawing inagurasyon dahil ito ang kauna-unahang Private-Public Partnership (PPP) sa bansa na magtatayo ng ganitong uri ng pasilidad.

Nagpapasalamat tayo sa tulong ng Megaworld Ma­nagement, Philippine National AIDS Council at Department of Health para maisakatuparan ang proyektong ito. Tayo’y natutuwa na nagpasya silang suportahan ang ating adbokasiya na mabigyan ng karampatang serbisyong me­dikal ang lahat ng QCitizens nang hindi nakararanas ng stigma at diskriminasyon.

Importante ang papel na gagampanan ng ”Klinika East­wood” dahil mas marami pa tayong mapagsisilbihang QCitizens na naghahanap ng HIV primary care clinic at treatment hub.

Dahil ito ay nasa mall, madali itong puntahan ng mga residente sa Eastwood at karatig na mga barangay.

Lubhang napaka-importante ng HIV primary care clinics, lalo pa’t mataas ang kaso ng HIV at iba pang sexually transmitted infections sa ating bansa.

Sa ngayon, mayroon nang HIV primary care clinic sa lima sa anim na distrito ng ating lungsod na tumutugon sa pangangailangang medikal ng ating mga residente.

Layunin ng pagtatayo natin ng HIV primary clinics ang maabot ang global target na 95-95-95 pagsapit ng 2030. Ito rin ay minamandato ng SP 3126- S 2021 o ang Comprehensive Quezon City STI, HIV, and AIDS Prevention and Control Ordinance of 2021.

Sa ilalim nito, 95 porsiyento ng tao na may HIV ay alam ang kanilang HIV status, 95 porsiyento ng na-diagnose na PLHIV ay nasa antiretroviral therapy, at 95 porsiyento ng PLHIV ay virally suppressed.

Speaking of Pride Month, sa Hunyo 22 ay gagawin ang ating taunang Pride Month Festival sa Quezon Memorial Circle.

Ilan sa mga magtatanghal sa ating programa na tina­guriang ”LoveLaban2Everyone Pride Festival 2024” sina Vice Ganda, BINI, Ben & Ben, Juan Karlos, Marina Summers at marami pang iba.

Samahan niyo kami sa Sabado sa napakalaki at napakahalagang pagdiriwang na ito.

HIV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with