Malaking buwaya na gumagambala sa isang bayan sa Australia, kinain ng mga residente!
Niluto at kinain ng mga residente ng isang bayan sa Northern Territory sa Australia ang malaking buwaya na ilang buwan ng nangte-terorize sa kanilang lugar!
Noong nakaraang Marso, nagkaroon nang matinding pagbaha sa bayan ng Bulla at simula noon ay may sumulpot na malaking saltwater crocodile sa Baines river, isang ilog na 820 feet lamang ang layo mula sa mga residential area. Ang namataang saltwater crocodile ay may laking labindalawang talampakan.
Isa sa mga residente ng Bulla ang nakita itong nakaabang sa mga maliliit na batang naglalaro malapit sa ilog. Napabalita rin na ang ilan sa mga aso sa kanilang lugar ay bigla na lang nawala at may hinala na kinain ang mga ito ng crocodile. Sa pangamba na baka tao na ang biktimahin ng crocodile, nagkasundo ang mga residente at mga awtoridad na patayin na ito dahil delikado na ito sa komunidad.
Sa pagtutulungan ng mga elders, community members at Parks and Wildlife rangers, nahuli at binaril ang buwaya. Upang hindi masayang ang crocodile, napagpasyahan na lutuin at kainin ito ng mga residente. Ngunit bago lutuin, nagsagawa ng maliit na seminar ang mga awtoridad para sa mga kabataang residente na tinawag na “crocodile safety session” kung saan itinuro kung paano mapapangalagaan ang sarili laban sa mga mapanganib na hayop sa kanilang lugar.
Matapos ang seminar, niluto sa iba’t ibang klaseng putahe ang crocodile. Ang buntot nito ay ginawang crocodile tail soup, ang ibang bahagi naman ay inihaw para gawing crocodile barbecue at ang natira ay ibinalot sa dahon ng saging at niluto sa ilalim ng lupa.
Ayon sa official website ng Northern Territory, ang mga saltwater crccodile ay maaaring umabot hanggang 20 feet ang laki at bigat na isang tonelada. Kaya nitong kainin nang buo ang isang adult human kaya ang interaksyon sa pagitan ng tao at crocodile ay mapanganib. Ngayong 2024, may naiulat na tatlong crocodile attacks sa Australia at isa rito ay nauwi sa kamatayan.
- Latest