^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ipagbawal ang single-use plastic

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ipagbawal ang single-use plastic

Parami nang parami ang nananawagan na ipagbawal na ang single-use plastic. Itigil na ang pag-manufacture ng mga lalagyang plastic na kinabibilangan ng sando bags, supot na pinaglalagyan ng yelo, tubig, juice at kung anu-ano pang paninda. Karaniwang ang mga supot na plastic na ito ay ginagamit ng vendors at mga tindera’t tindero sa palengke. Kasama rin sa panawagang ipagbawal ay ang sache ng kape, creamer, shampoo, ketsup at maraming iba pa.

Nagbabala ang isang propesor sa Environmental Science and Engineering sa Silliman University na kung hindi makokontrol o ipagbabawal nang tuluyan ang paggamit ng single-use plastic, madodoble ang consumption nito sa mundo pagsapit ng 2040.

Ayon kay Prof. Jorge Emmanuel, dapat nang itigil ang prduction ng plastic para matigil na rin ang paggamit nito. Sa kasalukuyan ayon sa propesor, sobrang dami nang pinoprodyus na plastic araw-araw. Dapat nang itigil ito upang hindi magkaroon nang malalang problema. Ayon pa sa propesor, ibawal ang plastic straws at mga single-use plastic bags. Mag-recycle upang hindi na madagdagan pa ang mga basurang plastic na masama sa kapaligiran at nakaaapekto sa climate change. Payo ng propesor na ipatupad ang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Noong nakaraang Abril, nagbabala naman si Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga na lalangoy sa plastic ang Pilipinas. Kung hindi raw magkakaroon ng solusyon sa plastic pollution, nahaharap sa malaking problema ang Pilipinas. Ayon kay Yulo-Loyzaga, plastic ang kalaban hindi lamang ng Pilipinas kundi ng buong mundo. Malaking panganib sa kalusugan ng tao ang plastic at ganundin sa ecosystems at climate change. Nakikitaan ng plastics sa bituka ang mga isda at sumasama sa ulan ang microplastics.

Ayon sa report, ang Pilipinas ay nagpo-produce ng 2.7 milyong tonelada ng plastics wastes taun-taon at ang mga ito ay humahantong sa landfills, natatambak sa mga ilog, sa water supply at sa karagatan. Sa isang pag-aaral, nabatid na ang Pasig River ay nakakapag-contribute ng mahigit 356,000 metriko tonelada ng plastic na basura sa karagatan bawat taon.

Noong Pebrero 12, 2020, inaprubahan ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) ang isang resolusyon na nagbabawal sa single-use plastics sa lahat ng government offices. Inatasan ng NSWMC ang Department of Environment ang Natural Resources (DENR) na ipatupad ang kautusan. Subalit wala nang narinig dito. Nawala na ang balita sa pagbabawal sa plastic.

Nararapat magkaisa ang lahat para ipagbawal ang produksiyon at paggamit ng single-use plastic. Bago lumangoy sa plastic ang Pilipinas, itigil na ito.

PLASTIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with